Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 271313 times)

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #60 on: May 21, 2015, 03:19:40 PM »
Angeline Quinto desidido nang magparetoke, uunahin ang ilong
By Reggee Bonoan
Bandera
2:00 am | Thursday, May 21st, 2015

“MASARAP kumain, eh. ‘Wag kang mag-alala, papayat na rin ako kasi malapit na kaming mag-taping.”

Ito ang sabi ni Angeline Quinto nang tanungin namin kung may pinabago siya sa mukha niya at bakit tila sumobra ang taba niya ngayon kaya halos hindi namin siya nakilala.

Ang tinutukoy niyang taping ay para sa seryeng Ang Probinsiyano kung saan makakatambal niya uli si Coco Martin. Lumaki rin kasi ang ilong ni Angeline kaya tinanong din namin siya kung nagpa-nose job siya, pero umiling ang dalaga.

At nang makasabay namin siya sa elevator, “Ikaw talaga ate Reggee, kung anu-ano ang pinagsasabi mo, wala pa (retoke ng ilong), sobrang tumaba lang ako, hindi ko pa ginagawa, gagawin pa lang.”

Sunod na tanong namin sa kanya kung idol ba niya si Lani Misalucha, “Opo, pero mas idol ko si Regine Velasquez. Bakit n’yo naitanong?”

E, kasi si Lani sa tuwing uuwi ng Pilipinas ay parang laging nababago ang mukha dahil sa kakaretoke, baka kasi sinusundan mo ang yapak niya? “Hala, grabe ka ate Reggee! Masarap lang kumain, naparami kain ko kaya tumaba ako, malakas ako kumain, e, hindi ako masyadong busy,” natawang sagot niya sa amin.

Nabanggit din namin na baka mabuhay ang nakaraan nila ni Coco Martin sa muli nilang pagsasama sa FPJ’s Ang Probinsiyano, “Hmmmm, ikaw lang naman ang bubuhay, eh. Okay na ‘yun, wala naman ‘yun, kunmbaga naka-move on na.”

http://bandera.inquirer.net/92232/angeline-quinto-desidido-nang-magparetoke-uunahin-ang-ilong

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #61 on: May 21, 2015, 03:41:47 PM »
ABS-CBN unveils 10 new shows to watch for Q2 2015

They are known for bringing the BEST shows. They are the home of the BRIGHTEST stars. The undisputable network is now set to bring only the greatest, and most entertaining shows to their loyal viewers. ABS-CBN as the leading television network in the country officially launches the shows to watch for. They held Kapamilya Trade Launch yesterday where they formally announced the shows, the stars and for some, its playdate.

Here are the much-awaited soaps we are waiting for:

1. PANGAKO SA’YO (May 25, 2015)
A remake. Originally starred Kristine Hermosa and Jericho Rosales. It was first aired in 2000 and popularly gave birth to iconic roles of claudia Buenavista and Amor Powers. This time, Kathryn Bernardo and Daniel will play Yna and Angelo together with Jodi Sta. Maria, Angelica Panganiban, and Ian Veneracion. Produced by Star Creatives under the direction of Rory Quintos, Dado Lumibao and Olive Lamasan.

2. PASION DE AMOR (June 1, 2015)
Another adaptation of the Columbian Telenovela “Pasion da Gavilanes.” The story will evolve around a family rivalry which will be mixed with revenge and love. Starring Jake Cuenca, Ejay Falcon, Joseph Marco, Ellen Adarna, Coleen Garcia and Arci Munoz under the direction of Eric Quizon.

3. ON THE WINGS OF LOVE (Soon)
Under the production of Dreamscape, James Reid and Nadine Lustre will play the roles of clark and Lea, who are Filipino workers based in San Francisco, California, forced to get married to continue their stay in the country. Joining them are Arjo Atayde, Bianca Manalo, Cherry Pie Picache and Joel Torre. Directed by Avel sunpongco and Don Cuaresma.

4. SOMEONE TO WATCH OVER ME (Soon)
Starring Judy Ann Santos, Richard Yap and Diether Ocampo. Another under the production of Dreamscape and directed by Onat Diaz and Trina Dayrit. It is said to be mixed with action, romance and comedy.

5. AND I LOVE YOU SO (Soon)
To be directed by Don Cuaresma, it is a drama about family, friendship, love and betrayal. Starring Julia Barretto, Miles Ocampo, Inigo Pascual, Dante Rivero, Angel Aquino, Dimples Romana, Bing Loyzaga, Raymond Bagatsing, Luke Jickain, and Jay Manalo.

6. FPJ’S ANG PROBINSYANO (Soon)
To commemorate the late king Fernando Poe Jr., this is an action-filled series under the production of Dreamscape and co-produced by FPJ Production. Coco Martin will play as provincial cop. Joining him are Bela Padilla, Angeline Quinto, Jaime Fabregas, Albert Martinez and Arjo Atayde.


7. WANSAPANATYM PRESENTS: MY KUNG FU CHINITO (Soon)
A mini series starring Richard Yap, Enchong Dee, and Sofia Andres. it is a story of a man who wants to pass on his power to somebody for the greater good.

8. PINOY BIG BROTHER SEASON 737 (Soon)

9. THE VOICE KIDS SEASON 2 (June)

10. YOUR FACE SOUNDS FAMILIAR

http://www.lionheartv.net/2015/05/abs-cbn-q2-2015/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #62 on: May 21, 2015, 03:55:56 PM »
Bela Padilla, Kapamilya na; leading lady ni Coco Martin sa bagong teleserye

WALANG BINANGGIT na dahilan si Bela Padilla kung bakit lumipat siya sa ABS-CBN mula sa pagiging contract star ng GMA-7. Ang tanging nasabi lang niya ay matagal na raw niyang gustong matrabaho sa ABS-CBN. Ipinag-pray rin daw niya na makatrabaho si Coco Martin.

“Kaya nu’ng nalaman ko na ang first assignement ko sa ABS-CBN ay makakatrabaho ko agad si Coco, hindi talaga ako makapaniwala. Dream come true ito for me,” excited niyang pahayag. At take note, bongga ang role ni Bela dahil siya ang gaganap na asawa ni Coco sa Ang Probinsyano, huh!

Hindi na namin naitanong kay Bela kung kailan nag-expire ang kontrata niya sa GMA at kung sino ang nagdala sa kanya sa Dos. Pero kitang-kita sa mukha niya ang saya na maging isang Kapamilya.

“Alam ko na hindi magiging ganu’n kadali ang gagawin kong pag-a-adjust, pero alam ko naman na kakayanin ko ang lahat. Magagaling ang mga artista ng ABS-CBN, and I want to learn from them. Nagpapasalamat din ako sa tiwala sa akin ng Dreamscape at sa chance na ibinigay nila sa akin to be part of this big project,” sey ulit niya.

La Boka
by Leo Bukas

http://www.pinoyparazzi.com/bela-padilla-kapamilya-na-leading-lady-ni-coco-martin-sa-bagong-teleserye/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #63 on: May 22, 2015, 02:45:57 PM »
Coco, nagsasanay na at sumailalim sa orientation at briefing ng PNP
ni Maricris Valdez Nicasio.

IKOMPARA man o hindi si Coco Martin kay Da King Fernando Poe Jr., sa paggawa nito ng Ang Probinsyano, kailangan pa ring magsanay at malaman ng batang actor kung paano gamitin ang tinatawag na rapido punch ni FPJ gayundin ang mabilis na pagbaril nito.

Kaya naman ngayon pa lang ay nagsasanay na si Coco ng pagsuntok-suntok sa pamamagitan ni veteran fight instructor Val Iglesias. Nakita rin naming nagtungo siya sa PNO office para sa orientation at briefing ukol siguro sa mga bagay-bagay sa isang pulis.

Kahanga-hanga ang dedikasyon ni Coco sa paggawa ng Ang Probinsyano dahil talagang naglalaan siya ng extra effort para matiyak na hindi niya mabibigo ang kanyang fans gayundin ni FPJ sa muling pagpapalabas ng Ang Probinsyano.

Ang Probinsiyano ay malaking hamon at susubok sa kakayahan ni Coco na gaganap bilang Ador, isang alagad ng pulisya. Ito ay pamamahalaan ng Dreamscape Entertainment ng ABS-CBN 2.

Sa pagtutulungan ng ABS-CBN at ng FPJ Productions, Ang Probinsyano ang pinakabagong FPJ classic na bibigyang buhay sa telebisyon na magpapakita ng tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas.

Anang Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, ipinagkatiwala ng Da King ang lahat ng kanyang pelikula sa FPJ Productions sa ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio.

Makakasama nina Coco at Susan sa TV adaptation ng Ang Probinsyano sina Albert Martinez, Angeline Quinto, Arjo Atayde, Bela Padilla, at Jaime Fabregas. Ito ay sa ilalim ng direksiyon nina Avel Sunpongco at Malu Sevilla.

http://www.hatawtabloid.com/2015/05/22/coco-nagsasanay-na-at-sumailalim-sa-orientation-at-briefing-ng-pnp/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #64 on: May 22, 2015, 03:00:08 PM »
Scene: Nagsimula na ang stunts training ni Coco Martin para sa television remake ng Ang Probinsyano, ang blockbuster movie noong dekada ‘90 ng yumaong aktor na si Fernando Poe, Jr.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/05/22/1457468/pacman-hindi-natalbugan-pinakamayaman-pa-rin-na-kongresista-anne

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #65 on: May 23, 2015, 10:58:24 AM »
Arjo Atayde, excited sa pakikipagtrabaho kay Coco

OVERWHELMED si Arjo Atayde nang malaman niyang kasama siya sa TV adaption ng Ang Probinsiyano na pagbibidahan ni Coco Martin mula sa Dreamscape Entertainment.

Ayon kay Arjo nang makatsikahan namin sa birthday dinner ng kanyang Mama Sylvia Sanchez, nagulat siya nang sabihan siya ng taga-Dreamscape na tinanggal siya sa On The Wings of Love serye nina James Reid at Nadine Lustre.

“Natakot ako, tita, kasi walang ibinigay na reason sa akin kung bakit ako pinul-out, that was three weeks before ako pinapunta naman sa meeting ng Ang Probinsiyano.

“Inisip ko na lang na baka hindi fit sa akin ‘yung role ko sa JaDine, ‘yun pala may ibibigay sa akin na mas maganda,” seryosong kuwento ni Arjo.

Walang idea ang aktor na kasama siya sa Ang Probinsiyano.

“Kasi pinapunta ako (Lunes) at may storycon daw, walang informations sa lahat. Ang alam ko lang may Coco, ‘yun lang. Kaya nu’ng pagpasok ko (sa isang function room sa 9501 resto ng ABS-CBN), nagulat ako kasi nandoon sina Ms. Susan Roces, Tito Albert Martinez, ‘tapos si Coco. It’s really a big project. ‘Yun na pala ‘yun,” kuwento pa ng aktor.

Nang banggitin kay Arjo na kasama siya, hindi agad nag-sink in sa kanya kaya okay lang daw siya, pero aminado siyang nagulat siya. Pagdating ng bahay, saka pa lang niya naisip na kasama nga siya.

Kaya finally, natupad na ang isa sa gusto niyang makatrabaho, ang nag-iisang King of Teleserye na si Coco Martin.

“I remembered, he’s kind enough na lumapit sa akin sa Star Magic Ball noong 2013,” at sinabi raw sa kanya ng actor na, ‘Ang galing mo, sana makatrabaho tayo’. Napanood daw niya ako sa Dugong Buhay (kasama si Ejay Falcon).

“Kaya nu’ng nagkita kami, sabi niya (Coco), ‘ito, matutuloy na rin,’ –pagbibida ni Arjo kung paano sila unang nagkausap ni Coco.

Sa cast ng Ang Probinsiyano, tanging si Jaime Fabregas lang ang nakatrabaho na ni Arjo (sa E-Boy) at lahat ay hindi pa kaya excited at challenge para sa aktor dahil pawang mahuhusay lahat.

“Pero matagal ko nang kakilala si Bela (Padilla) kasi kaibigan siya ng mga Asistio (anak ni Nadia), nu’ng TJ’s (restaurant) days pa, nagkikita kami,” kuwento pa ng binata nina Papa Art Atayde at Ibyang.

At ang magiging role ni Arjo sa serye ay, “Bestfriend, pero not totally laglagan, nagkaroon lang ng influence. Challenging talaga.”

Hindi pa napapanood ni Arjo original na Ang Probinsiyano ni Fernando Poe, Jr. pero ang role niya ay dating ginampanan ng nasirang Paquito Diaz.

Samantala, nagsimulang magkaroon ng training/briefing sina Arjo at Coco sa Kampo Krame noong Miyerkules at kahapon naman ay nasa out of town sila at kakalbuhin daw silang dalawa.

Magsisimula na ang taping sa Mayo 29 na ididirek nina Avel Sumpongco at Malu Sevilla.

http://www.balita.net.ph/2015/05/22/arjo-atayde-excited-sa-pakikipagtrabaho-kay-coco/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #66 on: May 23, 2015, 11:05:47 AM »
PAISTARAN: Bela P., matagal nang ‘PANTASYA’ si Coco!

Dream come true para kay Bela Padill­a, na si Coco Marti­n, ang agad-agad niyan­g makakatrabah­o, sa first project niya bilang Kapamily­a, matapos niyang lisanin ang GMA 7.

Sabi ni Bela, dati raw ay iniisip o pinapantasya lang niya, na sana ay si Coco ang makatrabaho niya, at ngayon nga, heto at naka-check na agad ‘yon sa mga wini-wish niya.
“I’m so overwhelmed, hindi ko na-imagine na ang role ko is ganito ka-big, na leading lady agad ni Coco,” sabi ni Bela, na gaganap nga bilang misis ni Coco sa teleserye na Ang Probinsiyano.

Teka, paano ba naganap ang paglipat niya sa ABS-CBN? Hindi nga katulad ng ibang galing sa Kapuso, na maingay na maingay ang paglipat, sa kaso ni Bela, bigla na lang siyang nakita sa presscon ng Kapamilya para sa Ang Probinsiyano.

“Ang manager ko naman ang kumausa­p sa kanila. Ang Viva ang kumausap sa ABS-CBN.
“At nagpaalam din naman ako ng maayos sa GMA. Alam naman nila na dito na rin talaga ang punta ko.”
Wala bang counter offer ang GMA nu’ng nagpaalam siya?

“Meron silang counter offer. Pero, as an actor, parang I was looking na of something else to do, eh. Not that I was bored, pero parang medyo nauulit na lang ‘yung mga ginagawa ko dati.

“And also, I’m 24 na rin, parang I’m getting old na, na I have to look out for myself na, kaya I’m thinkin­g na rin kung gaano ba katagal ko gustong mag-stay sa showbiz at kailangan ko na rin i-protect ang career ko.

“Right now, I feel na this is the right thing for me. I’m not saying na this is the perfect path, pero for me, it is…
“Pero, ‘yun na nga, nagpaalam talaga ako ng maa­yos sa GMA. Actual­ly nu’ng unang may offer sa akin ang ABS, hindi pa tapos ang contract ko sa GMA. So, I had one year left. I honoured my contract.

“Nag-stay ako sa kanila ng one more year. And alam nga nila na lili­pat din talaga ako sa ABS.
“Alam ko rin na med­yo hindi ako mabibigyan ng soap last year. So, I took that consequence. And they’re very gracious naman sa akin, I say goodbye properly to them.

“My managers too talked to them, na para lang masigurado na walang trouble. Hindi rin ako nag-ingay, na I noticed kasi ‘yung iba, parang ganu’n ang nangyari na medyo maingay.

“They did, a counter offer nga. Pero, right now, my offer here talaga is better. Parang mas okey ang magiging position ko dito.”
Paano niya nasabing mas better ang offer ng ABS kesa GMA?

“Ah, show with Coco talaga. Siyempre, nu’ng naisip ko na lilipat na ako ng ABS, nu’ng palipat na ako, lagi kong binibiro na paano kaya kung ang u­nang show ko ay kasama ko si Coco? Parang for an actor, that’s the highes­t you can get, especially for my age. So, for me to finally get it, parang wow, ang bilis nangyari.

“I didn’t know na magiging ganito kabilis. Parang they trust me right away, na hindi na nila hinintay na may kailangan akong gawin. Na may kaila­ngan akong i-prove sa kanila,” sey pa ni Bela.

Sa sobrang pag-iidolo raw ni Bela kay Coco, napanood daw niya ang Ikaw Lamang, mula simu­la hanggang wakas. At napanood din daw niya ang movie nina Coco at Toni Gon­zaga.

“Ang cute, naka­kakilig sila. Pero, sa teleserye pa lang na Ikaw Lamang, pinapanood ko na siya. And noon pa, alam ko na agad na siya ang gusto kong makatrabaho sa ABS.
“Marami akong gustong makatrabaho rito pero big deal talaga na si Coco ang nakasama ko agad sa trabaho ko rito,” sey na lang ni Bela.

http://www.abante.com.ph/ent/paistaran/28340/paistaran-bela-p-matagal-nang-pantasya-si-coco.html

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #67 on: May 23, 2015, 11:12:32 AM »
Coco Martin, kabadong gampanan ang role ni FPJ

IKAW BA naman ang maging personal choice ni Ms. Susan Roces para gumanap sa isa sa mga mahahalagang pelikula ng yumao niyang mister na si The King Fernando Poe, Jr. (FPJ) ay kakabahan ka.

Hindi naman kasi basta-bastang project ang pelikulang Ang Probinsiyano na ginawa ni The King with sexy star Amanda Page and Dindi Gallardo noong 90’s na ngayon ay isasa-teleserye ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamilya Network.

Kaya nga kabado si Coco Martin nang malaman niya na siya ang gusto ni Manang Inday (Ms. Susan) na gumanap sa lead role. Mas kinabog ng kaba ang aktor nang malaman niya na si Ms. Charo Santos-Concio mismo ang pumili ng bida sa serye at siya nga ang napili at sinuwerte sa dinami-rami ng mga aktor ng ABS-CBN Network at Star Magic.

Sabi nga ni Coco, “It’s an honor. Aaminin ko, kabado ako. Pero nagpapasalamat ako kina Ms. Charo at Ms. Susan sa malaking break at tiwala na ibinigay nila sa akin.”

Ang serye na magpapakita ng kadakilaan ng mga kapulisan natin ay magsisimula na anytime at kabilang nga bukod kay Coco at Ms. Susan (playing his Lola) ay sina Albert Martinez, Bella Padilla, Angeline Quinto, at Arjo Atayde.

Reyted K
By RK VillaCorta

http://www.pinoyparazzi.com/coco-martin-kabadong-gampanan-ang-role-ni-fpj/

assassinator

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 438
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #68 on: May 24, 2015, 12:57:59 PM »
Coco again? E may Wansa pa siya ah. WTH!
ABS, please don't overuse Coco, kasi baka matulad siya kay Bea Alonzo. Na sa sobrang sunod sunod ng projects, e kinasawaan na.

"scratches head"

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #69 on: May 24, 2015, 02:36:50 PM »
Coco again? E may Wansa pa siya ah. WTH!
ABS, please don't overuse Coco, kasi baka matulad siya kay Bea Alonzo. Na sa sobrang sunod sunod ng projects, e kinasawaan na.

"scratches head"
Matatapos na ang Wansapanataym nila Coco. Kung saan ang papalit eh yung Wansapanataym nila Enchong Dee at Richard Yap. Tsaka hindi naman ipapalabas agad agad ang Probinsyano. Baka sa 3rd or 4th quarter pa ng taon ito mapapanood.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3502
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #70 on: May 25, 2015, 09:57:56 PM »
Coco again? E may Wansa pa siya ah. WTH!
ABS, please don't overuse Coco, kasi baka matulad siya kay Bea Alonzo. Na sa sobrang sunod sunod ng projects, e kinasawaan na.

"scratches head"
Matatapos na ang Wansapanataym nila Coco. Kung saan ang papalit eh yung Wansapanataym nila Enchong Dee at Richard Yap. Tsaka hindi naman ipapalabas agad agad ang Probinsyano. Baka sa 3rd or 4th quarter pa ng taon ito mapapanood.
Matagal pa ito ipapalabas. May tatlong movies pang naka-lineup si Coco, dalawa roon confirmed. Baka nga 4th quarter pa 'to o kaya next year.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #71 on: May 26, 2015, 01:42:44 PM »
“Suntok ni FPJ, ‘wag hanapin kay Coco!” -- Susan Roces
Tuesday, 26 May 2015 00:00 Written by  Glenn Regondola

Nakiusap si Susan Roces na huwag ikum­para si Coco Martin sa namayapa ­niyang mister na si Fernando Poe, Jr. Si Coco nga ang bida sa teleserye na hango sa ­pelikulang pinagbidahan noon ni Da King, ang Ang ­Probinsiyano.

Sabi nga ni Susan, huwag hanapan si Coco ng mga kilos na tatak-FPJ dahil hindi nga raw ito magiging totoo sa character na kanyang gagampanan.

“Alam n’yo, kaming mga artista, we draw inspi­ration, or our performance greatly depends on the screenplay, and our fellow actors.

“We are so blessed that we have a cast, that we know, will help one another to do our best in our performance.

“Katulad din ng nabanggit ng ibang cast, na nagre-react lang kami, sa kung ano ang ginagawa ng co-stars namin.

“Kung hindi, ‘di mararamdaman o magiging makatotohanan ang performances namin.

“At tungkol naman du’n sa punches ni FPJ, ako na po ang sasagot para kay Coco, ‘wag n’yo pong hanapan si Coco ng mga kilos na ganu’n. Sapagkat ‘di po magiging orihinal para sa kanya.

“Ang gagawin namin ay inspired from FPJ’s Ang Probinsiyano, but it’s Coco’s performance as himself portraying the role of a character that FPJ did many years ago.

“Who knows, baka meron din siyang (si Coco) sariling style,” sey pa ni Susan.

http://www.abante.com.ph/ent/other-stories/28508/suntok-ni-fpj-wag-hanapin-kay-coco-susan-roces.html

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #72 on: May 27, 2015, 10:14:52 AM »
Coco Martin, nagte-training nang humawak ng baril at sumuntok

SINIMULAN NA ni Coco ang training bilang paghahanda sa nalalapit na taping ng TV version ng Ang Probinsyano, isa sa classic films ni Fernando Poe Jr. Part ng training ang pag-aaral niyang humawak ng baril at sumuntok.

Nu’ng Lunes (May 25) ay nasa Camp Crame si Coco. Bago pa man ang flag-raising ceremony ng mga kapulisan ay nando’n na ang aktor para mag-observe. Kinausap din niya ang ilang PNP officials para sa briefing.

Naka-post sa IG account ng Dreamscape ang pagdalaw ni Coco sa Camp Crame pati ang pagbibigay sa kanya ng “PNP Memento” ng mga opisyales ng PNP bilang tanda ng pagkilala.

Sa nakita naming photos ni Coco with PNP officials, halatang feel na feel ng aktor ang mapasama sa hanay ng kapulisan. At least, ngayon ay matutupad na niya ito sa bagong serye na kanyang gagawin, huh!

Samantala, medyo nawala ang pressure kay Coco sa pagbibigay-buhay sa dating karakter ni FPJ bilang pulis sa TV version ng Ang Probinsyano nang sabihin ni Ms. Susan Roces na hindi niya kailangang gayahin ang kilos at pananalita ni FPJ.

Nangako naman si Coco na gagawin niya ang lahat ng makakaya para magampanan nang maayos ang role ng isang pulis sa bagong teleserye. Naniniwala naman si Ms. Charo Santos na kakayanin ni Coco ang challenge at mabibigyang-dangal ng Dreamscape Entertainment ang TV version ng Ang Probinsyano.

La Boka
by Leo Bukas

http://www.pinoyparazzi.com/coco-martin-nagte-training-nang-humawak-ng-baril-at-sumuntok/

knightofkapamilya

  • Jr. Member
  • **
  • Posts: 51
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #73 on: May 27, 2015, 12:44:16 PM »
Wanna see the hottest ABS-CBN teenstars on an #ASAPOnPrimetime Teleserye? Then watch this (https://m.youtube.com/watch?v=k2r_lmjmvT8) and leave a comment. Thanks.

chorva

  • Newbie
  • *
  • Posts: 28
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #74 on: May 29, 2015, 06:12:15 AM »
First taping day ng Probinsyano today. It looks like they're rushing this project. Naunahan pa mag-shoot ang Judy Ann soap and  JulNigo soap.