Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 266750 times)

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #45 on: May 20, 2015, 02:17:54 PM »
Coco, inilampaso sina Piolo, John Lloyd at Jericho
 
WALA na talagang makaaagaw sa trono ni Coco Martin bilang Primetime King ng Kapamilya network. Talagang inaalagaan siya sa pagbibigay ng proyekto gaya ng pelikula ni Fernando Poe, Jr. na ‘Ang Probinsiyano’ ay siya pala ang magbibida sa isang serye.

Natalbugan na talaga ni Coco sina Piolo Pascual, John Lloyd Cruz, Jericho Rosales pagdating sa pagbibida sa mga serye at iba’t ibang putahe ang inihahain.

Isa pang sorpresa ng ABS-CBN 2 ay ang pagbabalik-kapamilya ni Bela Padilla na magiging leading lady ni Coco. Isang malaking project at break ang ibinigay kay Bela, huh!

http://www.remate.ph/2015/05/coco-inilampaso-sina-piolo-john-lloyd-at-jericho/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #46 on: May 20, 2015, 02:27:19 PM »
Coco Martin, bibida sa TV adaption ng “Ang Probinsyano” ni late FPJ
ni Peter Ledesma

OPISYAL nang inihayag ng ABS-CBN at Dreamscape Entertainment Television na bibigyang-pugay ng Hari ng Teleserye na si Coco Martin ang obra ng nag-iisang Da King na si Fernando Poe Jr. na “Ang Probinsyano.”

Sa pagtutulungan ng ABS-CBN at ng FPJ Productions “Ang Probinsyano” ang pinakabagong FPJ classic na bibigyang buhay sa telebisyon na magpapakita nang tunay na kabayanihan ng mga alagad ng batas.

Ayon sa Queen of Philippine Movies na si Susan Roces, ipinagkatiwala ng Da King ang lahat ng library ng kanyang pelikula sa FPJ Productions sa ABS-CBN president at CEO na si Charo Santos-Concio. Sobrang galak naman ng Hari ng Primetime (Coco) ng ABS-CBN na sa kanya ipinagkatiwala ng Dreamscape ang malaking project, “Sobra akong nagpapasalamat dahil sa ipinagkatiwala nila sa akin ang kauna-unahang tribute ko para kay FPJ. Hinding-hindi ko bibiguin ang pulisya, ang ABS-CBN, sina Ma’am Charo. Gagawin ko po ang best ko para magampanan ko nang tama ang proyektong ito,” pahayag pa ni Coco.

Sa darating na July ay start na ang taping ng buong cast at idi-direk ito nina Malou Sevilla at Avel Sunpongco. Di lang malaking hamon ito para kay Coco kundi malaking achievement rin sa kanyang career bilang isa sa tinititingalang artista sa industriya. Brilliant ang nakaisip ng konseptong ito.

Para sa karagdagang impormasyong kaugnay ng “Ang Pro-binsyano,” bisitahin lamang ang official social networking site ng Dreamscape Entertainment Televesion sa Facebook.com/DreamscapePH, Twitter.com/DreamscapePH, at Instagram.com/DreamscapePH.

http://www.hatawtabloid.com/2015/05/20/coco-martin-bibida-sa-tv-adaption-ng-ang-probinsyano-ni-late-fpj/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #47 on: May 20, 2015, 02:30:59 PM »
Remake ng Ang Probinsyano, idea ni Coco!

SI Coco Martin pala ang nakaisip na magandang gawing teleserye Ang Probinsyano ni Fernando Poe, Jr. dahil naghahanap daw si ABS-CBN President and CEO, Charo Santos-Concio ng istorya tungkol sa mga buhay ng pulis o mga sundalo bilang pagpapahalaga sa SAF 44.

Pagtatapat ni Coco sa ginanap na media announcement noong Lunes ng hapon, “honestly, ako po ‘yung nagbigay ng idea sa kanila kasi gusto po ni Ma’am Charo na gumawa ng isang police na istorya, rito nga po sa teleserye namin.

“And then noong sinabi nina Sir Deo na ‘yun ang gusto ni Ma’am Charo and then sinabi ko po, ‘Alam niyo po, may magandang pelikula si FPJ, ‘Ang Probinsyano’. So ‘yun, after that pinag-usapan nila.”

At dahil si Coco ang nakaisip ng idea at maganda rin ang ratings ng MMK niya na ginampanan niya ang isang SAF member ay ibinigay na ni Ms. Charo ang project sa aktor.

Si Ms. Charo ang mismong pumili kay Coco para gumanap sa papel na Ang Probinsyano na pamamahalaan naman ng Dreamscape Entertainment sa pangunguna nina Deo T. Endrinal, Julie Ann Benitez, Rondell Lindayag, at Kylie Manalo-Balagtas.

Labis ang tuwa ng aktor nang banggitin sa kanya na siya ang gaganap at talagang abot-abot ang pasalamat niya sa lahat.

BUONG LIBRARY NG MGA PELIKULA NI FPJ, IPINAGKATIWALA SA ABS-CBN

Ang buong library ng mga pelikula ni FPJ ay ipinagkatiwala ng actor sa ABS-CBN at bago nga siya binawian ng buhay ay nagkaroon sila ng verbal agreement ni Ms. Charo at naging pormal ito noong isalin nila sa papel.

Labis ding nagpasalamat ang Da Wife ni Da King na si Ms. Susan Roces sa ABS-CBN sa pagbibigay ng halaga sa mga project ni FPJ.
Naikuwento ni Coco na noong ginagawa nila nina Ms. Susan ang seryeng Walang Hanggan noong 2012 ay nabanggit na raw ng Reyna ng Pelikula na may mga project si FPJ na bagay sa aktor at marahil, isa na nga Ang Probinsyano.
 
TAGAHANGA NI FPJ

“Bata pa lang po ako (tagahanga) ang lola ko kasi talagang solid FPJ fan. Noong bata ako, ‘yung nakalakihan ko talaga ang manood ng Filipino classic movies, isa po roon ang mga pelikula ni FPJ.”

Walang babaguhin sa bersiyon ng pelikulang Ang Probinsyano na isasalin sa teleserye na isusulat ng headwriter na si Joel Mercado at ang mga magdidirehe ay sina Ms. Malu Sevilla at Avel Sunpongco.
 
Makakasama ni Coco sina Arjo Atayde na gaganap bilang bestfriend niyang pulis din na may lihim na gawain, Angeline Quinto at Bela Padilla bilang leading ladies, at gaganap na lola ng probinsiyano ay walang iba kundi si Ms. Susan na apo talaga ang turing sa aktor.

Kasama rin si Albert Martinez bilang tatay ni Arjo at labis na nagpapasalamat kay Coco dahil parati raw siyang inire-request sa mga project nito. Ka join din si Jaime Fabregas.

May isa pa raw leading lady si Coco na hanggang ngayon ay wala pang final decision kung sino pero dapat daw ay sexy ito, kaya’t pumasok ang pangalan ni Yam Concepcion.
 
HINDI MAPAPANTAYAN SI FPJ

Say ni Coco sa bago niyang papel bilang sundalo pagkatapos ng SAF 44, “Matindi, matinding nerbiyos. Sabi ko nga po napakasuwerte ko na kahit paano magagampanan ko ang isa sa pelikulang talagang tumatak sa ating mga Filipino.

“Siyempre po malaki ang pressure sa akin na alam ko na never kong mapapantayan pero kahit paano mabibigyan ko ng justice ‘yung character ko.

“Gusto ko sana tangkilikin ng manonood ‘yung gagawin naming soap opera, ngayon po ‘yung preparation po sa kaalaman po ng marami ang ginagawa ko more on drama and then nag-a-action din ako paminsan-minsan.

“And then sinabi ko talaga, sana magkaroon ako ng matinding training dahil iba si FPJ, iba ang ginagawa niya sa kanyang mga pelikula. Ayoko naman na mapahiya ako at kahit paano mapaghandaan ko.”

As of this writing ay hindi pa alam nina direk Malu kung saang kampo sila magte-taping ng Ang Probinsyano para sa ilang eksena nito.
“As in wala pa, kanina lang kami nag-meeting, wala pang kompletong detalye,” sabi ni direk Malu sa amin.

ni Reggee Bonoan

http://www.hatawtabloid.com/2015/05/20/remake-ng-ang-probinsyano-idea-ni-coco/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #48 on: May 20, 2015, 02:38:14 PM »
Bela Padilla: Na-shock ako, si Coco Martin ang katambal ko!
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Wednesday, May 20th, 2015

In fairness, kahit kami ay nagulat nang ihayag ng Dreamscape Entertainment TV na isa si Bela Padilla sa magiging ka-loveteam ni Coco Martin sa TV remake ng 1997 classic FPJ movie na “Ang Probinsiyano”.

Wala kasi kaming nabalitaan na lalayasan na ni Bela ang GMA 7 at magbabalik na nga bilang Kapamilya. Nakilala noon sa ABS-CBN si Bela bilang si Krista Valle na naging bahagi ng Star Magic batch 15.

Pero naging Bela Padilla ang kanyang screen name nang lumipat sa GMA 7 noong 2010.”Medyo alam ko na lilipat talaga ako kaso may movie so medyo na-stop sandali, hindi ako nakalipat kaagad,” paliwanag ng dating Kapuso actress.

Pero sabi ni Bela, kahit daw siya ay nagulat nang i-offer sa kanya ng Dreamscape ang seryeng Ang Probinsiyano at mas lalo siyang na-excite nang malamang si Coco ang makakatambal niya.

“Nu’ng sinabi sa akin na ito ang una kong project, medyo nagulat ako. Kasi nu’ng alam kong lilipat ako, lagi naming dyino-joke paano kung ang unang soap ang ibigay sa iyo si Coco ang kasama mo.

So laging joke ‘yon tapos lagi ako, ‘Hindi, hindi totoo ‘yan.’ So parang what an honor na my first show in ABS-CBN is with Coco Martin,” ani Bela.

Dagdag pa ng dalaga, “I think things just fell into place. I’d been waiting for this to happen. Now it’s finally here. I’m excited to work.”

Pangako naman ni Coco na gaganap bilang pulis, “Hinding-hindi ko bibiguin ang kapulisan, ang ABS-CBN, sila Ma’am Charo (Santos-Concio). Gagawin ko po ang best ko para magampanan ko ng tama itong proyekto na ito.”

Makakasama rin sa Ang Probinsiyano sina Angeline Quinto, Albert Martinez, Arjo Atayde, Jaime Fabregas at ang biyuda ni Fernando Poe, Jr. na si Ms. Susan Roces, sa direksiyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

http://bandera.inquirer.net/92133/bela-padilla-na-shock-ako-si-coco-martin-ang-katambal-ko

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #49 on: May 20, 2015, 02:40:09 PM »
Arjo Atayde naka-jackpot uli, napiling best friend ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsiyano’
Sylvia: Di ko masasabing nagmana siya sa akin!
By Jobert Sucaldito
Bandera
2:00 am | Wednesday, May 20th, 2015

NOW it can be told na ang seryeng Ang Probinsiyano na nga ang bagong proyekto ng baby nating si Arjo Atayde that would have the Teleserye King Coco Martin in the lead.

Ito yung dating pelikula ni Da King Fernando Poe, Jr. na naging blockbuster talaga before, at kung tama ang pagkakatanda ko, ang dating beauty queen na si Dindi Gallardo ang leading lady ni FPJ dito.

Hindi lang basta remake ang gagawin ng ABS-CBN sa Ang Probinsiyano – talagang ginawang TV series at kasama sa cast ang baby naming si Arjo with Ms. Susan Roces, Albert Martinez, at ang nagbabalik-Kapamilya na si Bela Padilla. Arjo plays the best friend of Coco in this series na magsisimula na very soon.

“Dapat ay sa JaDine (James Reid at Nadine Lustre) series kasama si Arjo kaya lang, mas naisip ng production na mas bagay sa kaniya ang role rito.

“Hindi naman niya puwedeng sabay na gawin iyon dahil tiyak na magku-conflict sa sked niya. Maganda ang role niya rito. Tsaka hindi ito yung conventional serye na kailangang kamukha ng bidang si Coco si FPJ.

“Acting ang pag-uusapan dito, yung character ng Probinsiyano na isang matinong pulis. Nakakatuwa nga dahil si Coco ang personal choice ni Ms. Susan Roces sa role ni Da King,” anang isang taga-production na nakausap namin.

“Excited ako sa role ko rito. Ang daming twist kaya kaabang-abang talaga. Plus the fact na isang FPJ project ito – given na ang market niyan. Kaya talagang excited na ako dahil napakaganda ng role ko sa serye.

“Kaya kailangang galingan natin dahil the whole world will watch us,” humbly says this award-winning young actor Arjo Atayde. Naku, sigurado kaming mamaniin lang ni Arjo ang mga eksena niya rito.

Mahusay kasi ang batang ito – may sarili siyang atake sa mga eksena niya.He has proven that a couple of times sa mga naging past projects niya. Mahusay na actor talaga itong si Arjo, if I may proudly say.

Kasi naman, ang nanay niyang si Ibyang (Sylvia Sanchez) ay hanep sa husay. “Hindi ko naman siya tinuturuan umarte actually. Pinagmamasdan ko lang ang mga nagawa niyang projects at nakaka-proud lang kasi nga, iba ang atake niya kaysa sa acting style ko.

“Kaya hindi ko masabing nagmana sa akin ang batang iyan sa pag-arte, parang innate na sa kaniya ang pagiging aktor. Baka na-inspire ko lang siya pero hindi ako ang nagturo riyan.

“Gusto niya kasi talaga ang trabaho niya bilang artista kaya pinagbubutihan niya. Mas natutuwa pa nga ako pag sinasabihan ako ng friends ko na magaling umarte si Arjo kaysa sa purihin nila ako.

Siyempre nanay ako, gusto mo palaging naririnig na ayos ang mga anak mo. Secondary na lang ako, tayong mga nanay, di ba?” ani Sylvia. Hay naku, can’t wait to watch Ang Probinsiyano.

And for sure, Coco Martin will make history here. Sobrang galing ng batang iyan. Congrats Coco and your magiging best friend sa seryeng si Arjo Atayde. Mwah!

http://bandera.inquirer.net/92126/arjo-atayde-naka-jackpot-uli-napiling-best-friend-ni-coco-martin-sa-ang-probinsiyano

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #50 on: May 20, 2015, 02:48:09 PM »
Happy for Arjo at sa ganitong project siya nalagay.

And sana nga si Yam yung ipapasok dito.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3502
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #51 on: May 20, 2015, 02:50:47 PM »
Happy for Arjo at sa ganitong project siya nalagay.

And sana nga si Yam yung ipapasok dito.
Oo nga eh. Sa wakas at makakapasok na sila sa Primetime Bida.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #52 on: May 20, 2015, 02:55:30 PM »
Pagtatanggol ni Susan kay Coco ‘Hindi kailangang gayahin ang kilos ni FPJ!’
SOME LIKE IT HOT Ni Vinia Vivar (Pang-Masa) | Updated May 20, 2015 - 12:00am

Pinauna na ni Susan Roces na huwag daw i-compare si Coco Martin sa yumao niyang asawa na si Da King Fernando Poe, Jr. or mag-expect na gagayahin ng aktor ang mga moves o pag-arte ni Da King dahil it would be unfair for both.

As we all know, ire-remake ni Coco ang isa sa mga classic hits ni FPJ na Ang Probinsiyano kaya natanong ang Teleserye King kung gagayahin din daw ba niya ang trademark punch nito at pagkilos-kilos.

Pero maagap nga siyang ipinagtanggol ni Tita Susan who’ll be playing Coco’s grandmother sa Ang Probinsiyano.

“I think it’s not fair for people to expect and that is not only for Coco but any actor portraying a role that has been played by a previous actor. It’s unfair to compare because he is not portraying FPJ; he is portraying the character in the story. So hindi niya kailangang gayahin ang kilos ni FPJ,” pahayag ni Tita Susan.

“It’s his own interpretation. We should not expect him to mimic everything that the former actor portrayed and that goes for all the remakes, for all the projects inspired by a previous movie or teleserye,” dagdag pa ng biyuda ni FPJ.

Labis naman ang pasasalamat ni Coco to be gi­ven the opportunity na gawin ang isa sa mga classic movies ni Da King.

“Napakaswerte ko po na kahit paano ay magagampanan ko ang isang pelikula na talagang tumatak sa ating mga Filipino na ginawa ni FPJ. Siyempre malaki po ang pressure sa akin na dapat kahit paano, alam kong never kong mapapantayan pero kahit paano ay mabigyan ko ng justice ang character ko at sana ay tangkilikin din ng mga manonood ang gagawin na­ming soap opera,” pahayag ni Coco.

Bela matagal nang pinlano ang paglipat
Sa media announcement pa rin for Ang Probinsiyano ay natanong naman si Bela Padilla tungkol sa na­ging proseso ng kanyang paglipat mula sa GMA 7 to ABS-CBN at kung ano ang nararamdaman niya sa first project sa Kapamilya at si Coco na agad ang kanyang kapareha.

“Actually po,” simula ni Bela, “medyo matagal ko na pong alam na lilipat ako, medyo mata­gal ko na pong pinaplano pero may ginagawa po kasi akong movie ngayon, so medyo na-stop sandali, hindi ako nalipat kaagad.

“Nung sinabi po sa akin na ito ‘yung una kong project, medyo nagulat ako kasi nun’g alam kong lilipat ako, lagi naming dyino-joke sa friends ‘yun, “paano kung ‘yung ibigay sa ‘yo si Coco ang kasama mo?” Laging joke ‘yun. Tapos, lagi akong “hindi, hindi totoo ‘yun”.

“What an honor na my first show sa ABS-CBN is with Coco Martin. So I’m very happy. I think things just fell into place. I’ve been waiting for this to happen. So, now it’s finally here, I’m excited to work.”

Si Bela ang isa sa leading ladies ni Coco sa Ang Probinsiyano. The other one is Angeline Quinto.

http://www.philstar.com/pang-movies/2015/05/20/1456650/pagtatanggol-ni-susan-kay-coco-hindi-kailangang-gayahin-ang-kilos-ni


dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #53 on: May 20, 2015, 02:56:32 PM »
Happy for Arjo at sa ganitong project siya nalagay.

And sana nga si Yam yung ipapasok dito.
Oo nga eh. Sa wakas at makakapasok na sila sa Primetime Bida.
Kaya ok lang kung "OUT" na si Arjo sa OTWOL ng JaDine.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #54 on: May 20, 2015, 03:00:44 PM »
Why Bela Padilla left GMA-7
By Chuck Smith (philstar.com) | Updated May 19, 2015 - 11:49am

MANILA, Philippines – “Right now, I feel like this is what’s right for me.”

Thus said Bela Padilla on her decision to leave GMA-7, her home network for over four years.

During the media announcement of ABS-CBN’s TV remake of the 1997 Fernando Poe Jr. movie “Ang Probinsyano” on Monday, it was revealed that Bela is now a Kapamilya.

She will be part of “Ang Probinsyano,” which will star Coco Martin.

WATCH: Bela Padilla moves to ABS-CBN

Talking to members of the press, Bela said she informed GMA-7 that she’s planning to move to ABS-CBN as early as last year. The 24-year-old actress admitted the Kapuso network made a counter-offer.

“But I just felt like I want to try something new,” she said.

“Also, as an actor, I was looking na for something else to do. It’s not like I was bored pero medyo nauulit na 'yung mga ginagawa ko dati,” she added.

Bela further explained, “I had to look out for myself so I’m thinking more of how long I want to stay here in showbiz and how I’m gonna protect my career in showbiz.”

Did she feel like she was neglected or overlooked in GMA-7?

“Honestly, no. Kung napabayaan ka, hindi nila fault 'yun. Fault mo 'yun bakit ka pinabayaan. So I never blame other people for what happens to me,” she said.

What does Bela expect to achieve now that she’s in ABS-CBN? “I just want to seal my place as a Kapamilya,” she said.

“That’s really it. I want to tell people na I’m here, I’m a Kapamilya,” Bela added.

The actress, who started out her showbiz career in ABS-CBN as a Star Magic talent, felt her move to the network was a “homecoming.”

“I started here so it’s good to be back. I’m excited to work,” she said.

Bela admits she is a fan of Coco and is elated that her first project in ABS-CBN is with the award-winning actor.

“I’m happy that my first project is this big. I’m still overwhelmed. I didn’t imagine na my role is gonna be this big until today,” she said.

Bela also said, “I’m not saying this is the perfect path. Pero for me, I feel like it is.”

Aside from “FPJ’s Ang Probinsyano,” Bela is also working on a movie with Dennis Trillo titled “Ang Sugo.”

http://www.philstar.com/entertainment/2015/05/19/1456445/why-bela-padilla-left-gma-7

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #55 on: May 20, 2015, 03:05:59 PM »
Coco Martin, bibida sa teleserye remake ng pelikula ni FPJ

SOBRANG LAKI talaga ng tiwala ni Ma’am Charo Santos, ang presidente at CEO ng ABS-CBN sa Dreamscape Entertainment na pinamumunuan ni Deo Endrinal. Sa short speech ni Ma’am Charo during the closed-door meeting para formal na bigyan ng go-signal ang paggawa ng bagong teleseryeng Ang Probinsiyano na inspired sa classic film ni Fernando Poe Jr., sinabi nito na napakalaki ng tiwala niya sa Dreamscape.

“Alam ko na mabibigyan nila ng dangal ang proyektong ito. Malaking challenge ito kay Coco Martin, pero alam kong kakayanin niya ito,” sey pa ni Ma’m Charo.

Present din sa announcement ng FPJ’s Ang Probinsyano teleserye si Miss Susan Roces, asawa ni Da King who will play lola to Coco, Albert Martinez, Angeline Quinto, Jaime Fabregas, at ang bagong Kapamilya star na si Bela Padilla.

Bagama’t natsa-challenge, sobrang proud naman si Coco na sa kanya ipinagkatiwala ang TV version ng Ang Probinsyano. “Masayang-masaya po ako at ipinapangako ko na pagbubutihan ko lalo ang trabaho ko rito. Tinatanggap ko po ang bagong challenge na ito,” sambit pa niya.

Anytime soon ay magsisimula na silang mag-taping para sa bagong teleserye na ipalalabas sa taong ito.

La Boka
by Leo Bukas

http://www.pinoyparazzi.com/coco-martin-bibida-sa-teleserye-remake-ng-pelikula-ni-fpj/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #56 on: May 20, 2015, 03:09:31 PM »
Push Mo 'Toh!!!: Coco, aprub kay Susan sa ‘FPJ’ serye! Featured
Wednesday, 20 May 2015 00:00 Written by  Glenn Regondola

Bago pa man naganap ang sina­sabi sa imbitasyon ng ABS-CBN CorpCom na isang special announcement ang magaganap nung Lunes, May 18, halos lahat ng imbitadong press people ay nagtatanungan sa isa’t-isa kung ano ito.

Lahat kami ay clueless, kaya go with the flow ang drama namin. Medyo delayed ng konti ang start, kung kaya, mas lalong na-excite ang lahat.
Siguro, may ibang nakakaalam, pero uma­yon sila sa sitwasyon, at walang ‘leakage’ na nangyari, huh! Hanggang dumating ‘yung time na sa TV screen ay ipinalabas ang isang old, but classic ng Hari ng Pelikulang Pilipino, ang yumaong si Fernando Poe Jr.

Dun, nagkaroon na ng ideya ang entertainment press. Nang buksan ang telon na naka­takip sa isang malaking poster sa harapan namin, dun na na-reveal ang ‘important announcement.’

Isa itong tarpaulin, kung saan naka-unipormeng pulis si Coco Martin na may nakalagay na, “Coco Martin is FPJ’s Ang Probinsyano.” ‘Yun na, si Coco ang bida sa TV remake ng nasabing FPJ movie.

Si Coco ang gaganap sa dating pelikula ng Hari na ipinalabas noong 1997 tungkol sa isang pulis na napatay, inako ng kanyang kambal na kapatid ang res­ponsibilidad upang mahuli at maparusahan ang mga kriminal.

Bahagi ito ng pi­nirmahang kasunduan ng bago pa man pumanaw si FPJ kung saan ipinagkatiwala niya sa Kapamilya network ang rights sa lahat ng kanyang mga naging pelikula.

‘Yun nga lang, sa kabila ng isang pelikula ulit, sa pamamagitan na ng isang teleserye gagawin ito ng Dreamscape - na pagbibidahan ng King of Primetime Teleserye na si Coco, kasama ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces bilang lola ni Coco, Albert Martinez, Angeline Quinto, Arjo Atayde, at ang lumipat-bakod nang si Bella Padilla.

Magsisimula pa lang mag-taping ang buong cast, pero inaasahan na ang malaking suporta ng lahat, dahil ito ay isang tribute hindi lamang sa Hari ng Action Movies kundi, sa Hari ng Philippine Cinema, as well.

Nakakatuwa ring makita na mahal na mahal ni Susan si Coco, at aprub na aprub sa kanya na ang binata ang gumanap sa pelikula ng kanyang namayapang mister.

http://www.abante.com.ph/ent/push-mo-toh/28144/push-mo-toh-coco-aprub-kay-susan-sa-fpj-serye.html

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #57 on: May 20, 2015, 07:00:44 PM »
Why Bela Padilla returned to ABS-CBN

ABS-CBNnews.com
Posted at 05/20/2015 1:54 PM | Updated as of 05/20/2015 1:59 PM


MANILA – Bela Padilla considers her return to ABS-CBN as the “right” thing to do as she continues her growth as an artist in show business.

In an article published by entertainment site Pep, Padilla was quoted as saying that she has long been planning her comeback to the Kapamilya network. And now that it has happened, she said she just wants to “seal my place as a Kapamilya.”

“I just turned 24. I have to look out for myself. I’m thinking of how long I want to stay here in showbiz and how I’m going to protect my career in showbiz. Right now, this is what I feel is right for me. I’m not saying this is the perfect path. Pero for me, I feel like it is," she said.

Padilla, then known as Krista Valle, was part of Star Magic Batch 15. But in 2010, she signed up with rival network GMA-7 and changed her name to Bela Padilla.

According to the actress, she also wanted to explore more options, which was why she decided to leave GMA-7.

“There was [a counteroffer], but I just felt like I wanted to try something new also. Parang as an actor, I was looking for something else to do. It’s not that I was bored, pero medyo nauulit na yung ginagawa ko dati," she said.

But Padilla also stressed that she is not blaming anyone for this.

“Actually, hindi [nila ako napabayaan]. Kung napabayaan ka, hindi nila fault 'yun eh. Fault mo 'yon kung bakit ka pinabayaan. I never blame any people for whatever happens to me. I’m in a good place right now," she said.

Padilla’s first project with ABS-CBN after she re-joined the network will be “Ang Probinsyano,” where she will get to work with Coco Martin.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #58 on: May 21, 2015, 03:03:06 PM »
Yam Concepcion, leading lady rin ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsiyano’?
Posted by Reggee Bonoan on May 21st, 2015

PALAISIPAN pa sa Dreamscape Entertainment kung sino ang pangatlong leading lady ni Coco Martin sa seryeng Ang Probinsiyano dahil kailangan daw ay medyo sexy, ayon mismo sa headwriter ng unit na si Joel Mercado.

Nabanggit ni Bossing DMB na ibinulong sa kanya ng source niya si Yam Concepcion, pero nang itanong namin ito kay Joel, “Wala pang final decision, pero puwede rin naman siya kasi sexy,” sabi sa amin.

Kaya’t tinanong din namin si Yam mismo kung may inialok sa kanyang seryeng kasama si Coco.

“Hindi ko lang sure kung kasama ako, wala pa naman nag-confirm, sana makasama ako,” kaswal na sagot ng Viva talent.

Nabanggit din namin kay Yam na maganda ang rehistro niya sa screen nang mapanood namin siya sa TV Patrol nang humalili siya kay Gretchen Fullido, at marami ang viewers na humanga sa kanya.

“Oo nga, nag-sub ako kay Gretchen nu’ng Friday (May 15), nagpasa pa ako ng resume nu’n. Good feedback pa, at mataas ang rating, nakakataba ng puso. Di ba sabi mo sa akin noon, mas bagay ako mag-host?” kuwento ni Yam.

Nakakatuwa dahil natandaan pala ng dalaga ang sinabi namin sa kanya noong i-launch siya ng Viva sa pelikulang Rigodon.
Nabasa namin kasi ang curriculum vitae ni Yam at maganda ang background niya kaya sinabi namin na, ‘parang mas bagay kang maging host kaysa maging artista’ at nagmarka pala sa kanya iyon.

Sinabi ulit namin kay Yam na sana nga mapasok siya sa TV Patrol o anumang programa sa ABS-CBN na puwede siyang maging host dahil maganda ang rehistro niya sa screen at very clear ng boses.

“Thank you, Ms. Reggee. ‘Yung story sa Patrol kung paano ako nakuha, grabe talagang unexpected. Nag-message lang kasi sa akin ‘yung taga-News roon sa Instagram, saying na I should visit the newsroom of ABS one of these days and when I’m free.

“’Sakto, bumisita ako after ng rehearsal ko for opening number for It’s Showtime, ‘tapos si Maricar from newsroom introduced me to Chair Favila, ‘tapos na-mention ko na pangarap kong maging anchor and all at nagbibiruan pa kami lahat noon.

“’Tapos eventually, after a week or so, I got a text na baka possible na mag-reliever ako kay Gretch, pero titingnan pa kasi ayaw daw nila ng artista na sub (substitute) kailangan journalist (din).

“Kaya nagpasa ako ng resume, so very professional talaga and then ‘ayun na, answered prayer! I got a call na pasok ako,” kuwento ng aktres.

Sana nga maging regular siya sa program.

“Tingnan natin where this leads me, but of course, love ko rin ang acting at ayaw ko bitawan ‘yun,” katwiran naman sa amin.

Kapag nakapasok siya sa news ay tiyak na bibitiwan niya ang pag-aartista dahil hindi puwedeng pagsabayin iyon.

“Oo nga. I love the people in the newsroom, very straight to the point!” sagot ni Yam. “’Pagdasal na lang natin kung anuman ang plano ng Diyos, leaving it all up to FATE.”

Pero gustung-gusto rin ni Yam na mapabilang sa Ang Probinsiyano dahil Coco Martin iyon at higit sa lahat, magagaling ang mga artistang kasama.

http://www.balita.net.ph/2015/05/21/yam-concepcion-leading-lady-rin-ni-coco-martin-sa-ang-probinsiyano/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #59 on: May 21, 2015, 03:15:42 PM »
Kapamilya na si Bela Padilla!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

Kaya naman pala siya ang nakakuha ng isang beer commercial ay dahil sa Viva talent na si Bela Padilla. Lately, may bagong pasabog na naman ang mega flawless actress. Bagong lipat palang siya sa Kapamilya Network, hayan at leading lady na agad siya ng much sought-after actor these days na si Coco Martin sa Ang Probinsyano ni Fernando Poe, Jr. na gagawing TV series ng Dreamscape Television with an impressive cast that includes Mr. Albert Martinez, Angeline Quinto, Arjo Atayde, Jaime Fabregas at Ms. Susan Roces in the role of Coco’s grandma.

Siyempre pa, mega-flattered si Bela to be working with Coco who’s considered as the drama king at ABS CBN.

Well, I’m no psychic but I have the feeling that this series is going to be a mega hit among the TV-viewers.

Abangan!

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

http://www.hatawtabloid.com/2015/05/21/kapamilya-na-si-bela-padilla/