Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 263843 times)

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2672
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #75 on: May 29, 2015, 11:19:31 AM »
First taping day ng Probinsyano today. It looks like they're rushing this project. Naunahan pa mag-shoot ang Judy Ann soap and  JulNigo soap.
So this and WNSG will probably fight for Bridges of Love's timeslot.

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3502
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #76 on: May 29, 2015, 01:15:52 PM »
First taping day ng Probinsyano today. It looks like they're rushing this project. Naunahan pa mag-shoot ang Judy Ann soap and  JulNigo soap.
So this and WNSG will probably fight for Bridges of Love's timeslot.
Ano ba 'yan. Hindi maski may definite story agad eh kailangan na nilang gawin. Bigyan naman nila ng break si Coco.

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #77 on: May 29, 2015, 07:08:09 PM »


Dreamscape Entertainment
Coco Martin shaved his hair for #FPJsAngProbinsyano. @onecocomartin

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #78 on: May 29, 2015, 07:10:56 PM »
Mukhang ganyan ang gupit ng mga bagong pasok sa PNPA. And yung suot pa lang niya na maruming white shirt, mukhang kagagaling lang niya sa reception rites. Baka dun ang simula ng kwento.

Feeling ko matagal pa nga ang airing nito. Hihintayin pa siguro humaba yung buhok ni Coco. Alangang buong story eh ganyan ang hairstyle niya.
« Last Edit: May 29, 2015, 07:19:13 PM by 공원 동우 »

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #79 on: May 29, 2015, 07:48:36 PM »


dreamscapeph
51 minutes ago
Michael Jornales, Marc Acueza, Lester Llansang, Rino Marco and John Medina shaved their hair for #FPJsAngProbinsyano #AngProbinsyano @onecocomartin

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #80 on: May 29, 2015, 07:49:15 PM »


dreamscapeph
41 minutes ago
#DreamscapeExclusive: Pasilip sa ilang eksenang dapat abangan sa #FPJsAngProbinsyano. @onecocomartin

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #81 on: May 29, 2015, 07:49:46 PM »


dreamscapeph
20 minutes ago
#DreamscapeExclusive: Ms. Susan Roces with @onecocomartin for #FPJsAngProbinsyano

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2672
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #82 on: May 29, 2015, 10:03:02 PM »
WTF!!! This is a Kalbo Bonanza that is more engaging than The Trial and Dugong Buhay oh my god!

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #83 on: May 30, 2015, 09:41:44 AM »
Arjo Atayde mas inuna ang mga trabaho kesa magbakasyon sa Japan kasama ang pamilya
By Reggee Bonoan
Bandera
3:00 am | Saturday, May 30th, 2015

First taping day ng FPJ’s Ang Probinsiyano kahapon kaya naman excited si Arjo Atayde na may halong kaba dahil nga first time niyang mag-trabaho sa Dreamscape Entertainment.

Nag-post ng mensahe si Arjo kahapon sa kanyang social media account, anito, “First Day, I live up to You Lord.”

Aba’y oo naman, kailangang manalangin ng aktor dahil si Coco Martin ang makakasama niya sa mga eksena at ayaw din naman ng binata na magpahuli sa Hari ng Primetime dahil nakakahiya.

Ipinagpalit ni Arjo ang taping niya sa Ang Probinsiyano sa reunion trip nila ng pamilya kasama ang buong angkan as father side niya sa Osaka, Japan na umalis noong Mayo 25.

Kasama na ring ipinagdiwang ang paggaling ng daddy niyang si Papa Art na dalawang beses ngang naoperahan at ang mama naman niyang si Sylvia Sanchez na nagkaroon din ng minor operation at nagdiwang din ng kaarawan kamakailan lang.
Importante kay Arjo ang kanyang trabaho, “I know, matagal na rin plan ng family ko ang bakasyon at matagal na rin na-book, last year pa yata, e, biglang dumating itong Ang Probinsiyano, siyempre hindi ko puwedeng pakawalan ito.

“I’ve waited for three years para makasama si Coco at makatrabaho ang Dreamscape family, pakakawalan ko pa ba?” katwiran ni Arjo.

Dagdag pa ng binata, “My family naman will understand me.”

Dahil absent nga si Arjo sa trip ng kanyang pamilya ay nag-post ang mga kapatid niya ng, “We miss you @ArjoArtayde, goodluck kuya, galingan mo kuya!”

Nag-post uli ng mensahe si Arjo noong Mayo 27 nang dumating siya sa bahay nila, “Home alone!” Nag-iisa lang kasi siya sa bahay at driver lang niya ang kanyang kasama.

Tinext namin si Arjo kahapon kung saan ang location ng kanilang taping, pero hindi kami sinagot. Baka dibdiban na ang mga eksena nila sa serye.

Marami na ang naghihintay sa Ang Probinsiyano, lalo na ang mga tagahanga ni FPJ. Gusto na nilang mapanood kung paano ang magiging atake ni Coco sa karakter na talaga namang sikat na sikat noong panahon ni FPJ.

Kaya nga iyan ang talagang pinaghandaan ng Teleserye King ng ABS-CBN, hindi nga ba’t siya pa ang nag-request sa mga bossing ng Dreamscape na sumailalim siya sa matinding training, lalo na sa pagsuntok at pagbaril.

Bukod dito, hinihintay na rin ng mga manonood ang pagtatambal muli nina Coco at Angeline Quinto na na-link din noon sa aktor.

Isa pang leading lady ng aktor sa teleseryeng Ang Probinsiyano ay ang nagbabalik-Kapamilya na si Bela Padilla.

http://bandera.inquirer.net/93111/arjo-atayde-mas-inuna-ang-mga-trabaho-kesa-magbakasyon-sa-japan-kasama-ang-pamilya

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #84 on: May 31, 2015, 09:39:40 AM »
Coco nagpakalbo para sa ‘FPJ’s Ang Probinsiyano’
By Reggee Bonoan
Bandera
2:00 am | Sunday, May 31st, 2015

GINANAP ang first taping day ng TV adaptation ng FPJ’s Ang Probinsiyano sa isang probinsiya kamakailan at muli bumilib kami sa professionalism ng bidang si Coco Martin na gagampanan ang dating role ni Fernando Poe, Jr.

Wala kasing pag-aalinlangang pumayag ang Teleserye King na magpakalbo para sa kanyang role sa serye bilang pulis. Kasabay niyang nagpa-shave ng ulo ang mga co-stars niyang sina Michael Jornales, Marc Acueza, Lester Llansang, Rino Marco at John Medina.

Bagay naman kay Coco ang kanyang bagong look, at puro positibo ang natanggap na komento ni Coco mula sa mga netizens. Dumalaw din sa taping si Ms. Susan Roces kaya tuwang-tuwa ang binata.

Ang Queen of Philippine Movies ang gaganap na lola ni Coco sa Ang Probinsiyano. Training sa pagpupulis ang eksenang kinunan sa nasabing taping at talagang pinahirapan daw nang todo ang grupo ni Coco dahil hindi raw ito dinaya at sa tunay na putikan sila pinag-training.

Halatang pinaghandaan ng aktor ang mga eksena dahil kitang-kita na high na high siya habang nagso-shoot.
Bago mapanood si Coco sa FPJ’s Ang Probinsiyano ay tuluy-tuloy pa rin ang kanyang Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasure tuwing Linggo ng gabi.

Abangan kung ano ang panibagong challenge na haharapin nila ni Julia Montes sa next episode. Ngayong gabi, magpapalit ng anyo si Arkin (Arron Villaflor), mapapapaniwala niya si Tanya (Julia) na isang traydor sa mga diwata ang iniibig nitong tagalupa na si Yami (Coco).

Ano ang gagawin ni Yami kapag natuklasan niya na magpapakasal na si Tanya kay Arkin dahil sa pag-aakala nito na manloloko siya? Maibabalik pa kaya ni Yami ang tiwala sa kanya ni Tanya?

Kasama rin nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures sina Eddie Garcia, Bing Loyzaga, Noni Buencamino, Alonzo Muhlach, Ryan Bang, Marlan Flores at Angel Aquino mula sa panulat nina Noreen Capili at Joel Mercado, at sa direksyon ni Avel Sunpongco.

Huwag palampasin ang pagpapatuloy ng adventure nina Coco at Julia sa Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures ngayong Linggo, 6:45 p.m. pagkatapos ng Goin’ Bulilit sa ABS-CBN.

http://bandera.inquirer.net/93139/coco-nagpakalbo-para-sa-fpjs-ang-probinsiyano

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #85 on: June 11, 2015, 10:19:25 AM »
Arjo, sobrang ipinagmamalaki si Coco

KUNG kailan pabalik na ng Pilipinas sina Sylvia Sanchez kasama ang buong pamilyang nagbakasyon sa Osaka, Japan ay at saka sila nakaramdam ng lindol.

Matatandaang nilindol ang Tokyo, Japan noong isang linggo sa magnitude na 8.5 pero hindi raw naramdaman nina Sylvia dahil malayo ang Osaka.

Tatlong araw bago sila umuwi ay naranasan na nilang lumindol.

“Habang nasa outlet kami, malapit sa airport, lumindol din, sabi ko, bakit parang nahihilo ako, tapos nakita ko ‘yung mga chandelier, gumagalaw kaya sabi ko, ay lumilindol kasi nahihilo ako.

“Pero ‘yung mga tagaroon, parang normal lang kasi diretso pa rin ang lakad nila, kami lang ng mga anak ko ang natigilan at talagang huminto kami. Siguro mga intensity 4 o 5 lang, hindi katulad sa Tokyo na nag-8.5 ba ‘yun?

“Noong lumindol sa Tokyo, ng 8.5 magnitude hindi namin naramdaman talaga, pero nitong malapit na kaming umuwi, lumindol ng kaunti,” pagkukuwento ng aktres sa kabilang linya.

At ngayong nasa Pilipinas na siya ay nananalangin siyang hindi na sana dumating ang sinasabing The Big One dahil nga nasa fault line ang bahay nila sa isang subdibisyon sa Quezon City.

“Basta ako nananalangin lang na sana huwag na matuloy. Bahala na ang Diyos sa ating lahat,” sabi ng aktres.

Naikuwento ni Ibyang na noong nasa Japan sila ay walang ginawa ang panganay niyang si Arjo Atayde kundi mag-text at pinauuwi na sila.

“Panay nga ang text, araw-araw at nami-miss na raw kami at pinauuwi na kami. Totoo nga ‘yung sabi mo, nalulungkot kasi pag-uwi ng bahay wala siyang makausap.

“Kaya naman pag-uwi namin, hayun walang tigil sa kakakuwento kung anong nangyari sa taping nila ni Coco Martin,” masayang tinig ng aktres.

Hindi nakasama ang aktor dahil nagsimula na ang tapings nila ng FPJ’s Ang Probinsiyano kasama si Coco Martin.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ni Ibyang tungkol sa anak, “grabe Reggee, sobrang ipinagmamalaki ni Arjo si Coco, sobrang bait, sobrang galing makisama, sobrang galing umarte at nagbibigay daw ‘pag eksena na nila.

“Sina Arjo at Coco raw ang laging magka-eksena at nagbibigay daw si Coco. ‘Di ba may mga bida na kapag bida sila, dapat sila ‘yung aangat, si Coco raw hindi ganoon, gusto niya lahat aangat.

“Overwhelmed nga raw si Arjo kasi nakakausap niya si Coco na walang kaere-ere na maski sikat na, hindi raw nariringgan ng yabang, kaya sabi ko nga, ‘oo, naririnig ko nga na mabait si Coco.’

“Tapos sobrang mesmerized din daw siya (Arjo) kay Ms. Susan Roces kasi nakakausap niya rin at talagang ang bait at maraming kuwento.

“Kaya sabi ko nga sa anak ko, pagbutihin niya kasi mga batikang artista na ‘yung nakakasama niya.

“Masaya ako, Reggee para kay Arjo kasi pangarap niya talaga ‘yan, makatrabaho ang mga magagaling,” kuwento ng proud mama ng aktor.


Samantala, dalawang linggong napanood si Sylvia bilang nanay ni Angelica Panganiban na gumaganap bilang si Claudia Buenavista at hindi raw napanood ng aktres ito kaya ngayong pagdating niya galing Japan ay magkukulong siya sa kuwarto para panoorin.

“Special participation lang naman ako sa ‘Pangako sa ‘Yo’ hindi naman ako talaga regular doon,” sabi ng aktres sa amin.

As of now ay wala pa siyang alam na project niya, “sabi lang may kasunod, eh, wala pa namang sinasabi kaya wala akong alam,” say ni Ibyang.

http://www.hatawtabloid.com/2015/06/10/arjo-sobrang-ipinagmamalaki-si-coco/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #86 on: June 11, 2015, 10:36:50 AM »
Lester Llansang, maraming kilalang naka-maskara sa showbiz

VERY HONEST ang mahusay na aktor na si Lester Llansang na sa showbiz ay marami kang makikitang mga naka-maskara, mga taong akala mo mabait kapag kaharap ka, pero sinisiraan ka kapag nakatalikod ka.

Hindi na nga lang daw ito pinapansin ni Lester at pinaghuhusay na lang ang kanyang trabaho. Mas mahalaga raw ang trabaho kay Lester, kumpara sa bigyang oras pa ang mga taong naka-maskara.

And speaking of maskara, ka-join si Lester sa pelikulang Maskara mula sa direksiyon ni Genesis Nolasco at isa sa 8 kalahok sa Filipino New Cinema section ng World Premieres Film Festival Philippines 2015. Kasama ni Lester sa pelikula sina Ping Medina, Lance Raymundo, at Boots Anson Roa.

Bukod sa Maskara, kasama rin si Lester sa pinakabagong soap ni Coco Martin na Ang Probinsiyano na halaw sa pelikula ng Da King na si Fernando Poe, Jr.

John’s Point
by John Fontanilla

http://www.pinoyparazzi.com/lester-llansang-maraming-kilalang-naka-maskara-sa-showbiz/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #87 on: June 23, 2015, 01:46:42 PM »
Love team nina Coco Martin at Julia Montes bubuwagin muna
VONGGANG CHIKKA – Peter Ledesma .

AFTER ng very successful nilang series sa Wansapanataym Special na “Yamishita’s Treasures” ay pansamantalang bubuwagin muna ng ABS-CBN ang love team nina Coco Martin at Julia Montes na napanood noon sa ilang top-rater teleserye ng Dreamscape Entertainment.

Kaya sa bagong teleserye ni Coco na TV adaptation ng blockbuster movie noon ni late Fernando Poe Jr., na Probinsiyano ay sina Bela Padilla at Angeline Quinto ang makakapareha ng Hari ng Teleserye samantala si Julia ay pansamantalang mapupunta kay Edgar Allan Guzman na may proyekto na rin ang dalawa na malapit na nilang simulan. Well sana tanggapin rin ang team-up nina Julia at Edgar lalo’t pareho naman silang magaling na artista.

Pagdating naman kay Coco, kahit sino pa ang itambal sa mahusay na aktor ay tanggap ng kanyang fans at televiewers kaya’t siguradong papatok rin ang bagong serye na Probinsiyano kasama ang maybahay ni FPJ na si Susan Roces, Albert Martinez, Arjo Atayde at marami pang iba.

Suportahan natin ito gyud!

http://www.hatawtabloid.com/2015/06/22/love-team-nina-coco-martin-at-julia-montes-bubuwagin-muna/

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #88 on: June 30, 2015, 10:04:00 AM »
Iza, pinili si Coco over Jericho

HAVEY: After ng kanyang matagumpay na pagganap bilang Sabel na tribute para sa 50 Creative Years ni BenCab, heto at kinakausap ulit si Iza Calzado para sa isa na namang repeat sa Agosto.


Medyo masikip ang sked ngayon ni Iza dahil pumasok na ang bulto ng shooting days ng bagong pelikulang Etiquette For Mistresses under Star Cinema directed by Chito Roño.


Tapos, heto pa ang magandang balita. Makakasama ni Iza si Coco Martin sa isang guest role sa Ang Probinsyano.


Matatandaang nagkasama na noon sina Iza at Coco sa pelikulang Batanes kasama si Ken Zhu.


Dito sa Ang Probinsyano sila magkakasama ulit.



Nanghihinayang si Izadora na hindi niya magagawa ang isa pang offer sa kanya na maging bagong love interest sana ni Jericho Rosales sa Bridges Of Love.


Matagal na rin kasing inasam ni Iza na makatrabaho si Echo dahil hinahangaan din niya ang intensity nito bilang aktor.


Kaso, dahil sa buhul-buhol nang iskedyul, minarapat na lang niyang i-turn down.


“Darating din ang project na para talaga sa amin,” sabi ni Iza na hanggang ngayon ay lubos ang paggalang at pagsuporta sa mga katrabahong naging mabuting kaibigan na rin tulad ni Piolo Pascual.

http://www.abante-tonite.com/issue/june3015/showbiz_nf.htm#.VZH4s1OfeRM

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #89 on: July 03, 2015, 01:08:17 PM »
11 New Kapamilya Shows for the Second Half of 2015

It’s the second half of the year. The leading TV network in the country, ABS-CBN brings you 11 new teleseryes which you will surely like it.

On The Wings of Love starring Kapamilya love team James Reid and Nadine Lustre, also known as JaDine. It’s about two Filipino workers who are forced to marry each other in order to stay in the United States. Dreamscape Entertainment Television produced the said romantic-comedy series. It will be directed by That Thing Called Tadhana director/writer Antoinette Jadaone, and Avel E. Sunpongco.

Julia Barretto, and Iñigo Pascual starred in another Dreamscape Entertainment-produced teleserye And I Love You So. They are currently shooting scenes for the new TV series.

A remake of 1997 Fernando Poe Jr. film, Ang Probinsyano which will topbill multi-awarded actor Coco Martin. Angeline Quinto, and Bela Padilla will be his leading ladies. The story is about Kardo, a provincial cop, who assumes the identity of his twin brother who was killed in a drug bust operation.

Newest celebrity couple, Erich Gonzales, and model/actor Daniel Matsunaga will sizzle their fans in the romantic-drama teleserye, Be My Lady.

In the upcoming show, Ningning,  former PBB Teen Edition finalist Beauty Gonzalez reunites with child star Jana Cassandra Agoncillo, whom both worked in the hit soap, Dream Dad.

Meanwhile, Doble Kara, an Erick C. Salud directed drama series which stars Julia Montes, Enchong Dee and Edgar de Guzman. They are currently on the casting process.

Then, Roxanne Guinoo, Jhong Hilario and John Estrada set to appear in Walang Iwanan which is currently shooting the said teleserye and directed by Jerome C. Pobocan.

For avid Piolo fans out there, he will be teaming up with Toni Gonzaga, along with Sam Milby in Heaven Knows.

And if you fond of the on-screen chemistry of Richard Gomez and Dawn Zulueta, they will appear in the upcoming series, Will Never Say Goodbye. It will be directed by award-winning director Jerry Lopez Sineneng.

Brand new drama series, All of Me starring JM de Guzman, Arron Villaflor, and former PBB: Teen Clash housemate Yen Santos. It will be directed by Dondon S. Santos.

And for Kim Ciu and Xian Lim fans, they will be having a new KimXi teleserye soon. We will give you updates about it!

http://www.lionheartv.net/2015/07/2nd-half-2015-abs-cbn-shows/