Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 255287 times)

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #30 on: May 19, 2015, 11:04:34 AM »
Kambal din siguro yung role ni Coco dito. Kung si Bela yung asawa ni Coco siya yung gaganap sa role ni Dindi Gallardo na asawa ni Ador (pulis na namatay sa drug buy-bust operation) tapos si Angeline sa role ni Amanda Page na gf naman ni Kardo (provincial cop na twin brother ni Ador na magpa-panggap sa katauhan nito para mahuli yung drug syndicate na pumatay sa kakambal niya.

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2482
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #31 on: May 19, 2015, 11:11:34 AM »
Kardo & Ador = A possible Police version of Rose & Emmanuelle.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #32 on: May 19, 2015, 11:26:10 AM »
Kambal din siguro yung role ni Coco dito. Kung si Bela yung asawa ni Coco siya yung gaganap sa role ni Dindi Gallardo na asawa ni Ador (pulis na namatay sa drug buy-bust operation) tapos si Angeline sa role ni Amanda Page na gf naman ni Kardo (provincial cop na twin brother ni Ador na magpa-panggap sa katauhan nito para mahuli yung drug syndicate na pumatay sa kakambal niya.
Yes kambal nga. Nabanggit yan sa TV Patrol kagabi.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #33 on: May 19, 2015, 11:43:32 AM »
Coco bubuhayin ang Probinsiyano ni FPJ
SHOW-MY Ni Salve Asis (Pilipino Star Ngayon) | Updated May 19, 2015 - 12:00am

Si Coco Martin ang napisil na bagong Fernando Poe, Jr. Mismong si Tita Susan Roces pa ang kasama kahapon ni Coco sa media announcement ng Dreamscape para sa action series ng isa sa mga pelikula ni FPJ na nasa movie library ng ABS-CBN, Ang Probinsiyano.

Isa ang nasabing pelikula na tumatak sa maraming nanood ng pelikula ni FPJ.

Emosyonal ang original movie queen nang magpasalamat sa pagbuhay ng character ng Hari ng Pelikulang Tagalog. “Wala akong masabi kung hindi maraming, maraming salamat sa pagpupugay sa pamamagitan nang pagtatanghal sa isa sa mga subject na malapit sa kanyang puso. Maraming ginawang pelikula si FPJ tungkol sa kapulisan, malapit kayo sa puso ni FPJ.”

Makakasama ni Coco sa serye sina Albert Martinez, Bela Padilla,  Angeline Quinto, Arjo Atayde, at Jaime Fabregas.

Si Tita Susan ang gaganap na lola sa probin­syanong character ni Coco.

“Sobra akong nagpapasalamat dahil sa ipinagkatiwala nila sa akin ang kauna-unahang tribute ko para kay FPJ.

“Hinding-hindi ko bibiguin ang kapulisan, ang ABS-CBN, sila Ma’am Charo (Santos-Concio). Gagawin ko po ang best ko para magampanan ko ng tama itong proyekto na ito,” sabi ni Coco.

“‘Di ko makakalimutan nung Walang Hanggan days sabi ni Tita Susan na ‘Alam mo mayroong mga pelikula si FPJ na bagay sa iyo,” pag-alala ni Coco.

“Napakaswerte ko po na kahit paano ay magagamapanan ko ang isang pelikula na talagang tumatak sa ating mga Filipino na ginawa ni FPJ. Siyempre malaki po ang pressure sa akin na dapat kahit paano, alam kong never kong mapapantayan pero kahit paano ay mabigyan ko ng justice ang character ko at sana ay tangkilikin din ng mga manonood ang gagawin naming soap opera,” pahayag ni Coco.

Nakita ni Coco ang hirap ng mga pulis nang gampanan niya ang isa sa mga character ng mga napatay sa Mamasapano encounter sa MMK (Maalaala Mo Kaya).

Wala pang ibinibigay na playdate ang ABS-CBN pero dalawang director ang hahawak – sina Malou Sevilla at Abel Sunpoco.

http://www.philstar.com/psn-showbiz/2015/05/19/1456259/coco-bubuhayin-ang-probinsiyano-ni-fpj

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #34 on: May 19, 2015, 11:48:12 AM »
Aprub kay Susan: Coco, napiling bagong FPJ!
SOME LIKE IT HOT Ni Vinia Vivar (Pang-Masa) | Updated May 19, 2015 - 12:00am

Coco Martin is Fernando Poe, Jr.! Ito ang inanunsyo kahapon ng Dreamscape Entertainment kaugnay ng bagong proyektong ihahain ng produks­yon.

Si Coco ang gaganap na bida sa teleseryeng Ang Probinsiyano na sa mga hindi nakakaalam ay isa sa mga classic film ng nag-iisang Hari ng Pelikulang Pilipino.

Ang media announcement ay hindi lamang dinaluhan ni Coco himself kundi pati na ang ibang cast kasama na ang Queen of Philippine Movies at maybahay ni FPJ na si Miss Susan Roces.

Gagampanan ni Manang Inday ang papel na lola ng karakter ni Coco.

Ang iba pang kasama sa cast ay sina Albert Martinez, Jaime Fabregas, Arjo Atayde, at ang dalawang leading ladies ni Coco na sina Angeline Quinto at ang bagong lipat na si Bella Padilla.

Sa media announcement ay nabanggit ni Coco na ideya niya na i-remake ang Ang Probinsiyano. Nang i-meeting siya nina Sir Deo Endrinal para sabihin na gusto ni ABS-CBN President Charo Santos-Concio na bigyan ng pagpupugay ang kapulisan, he mentioned na may magandang movie si FPJ at ito nga ang, Ang Probinsiyano.

Kaagad na pumayag si Ms. Charo at kinausap na nga si Ms. Susan tungkol dito. Nang pumayag ito ay binuo na nila ang proyekto.

Kaya isa na namang higante at de-kalidad na proyekto ang aabangan ng manonood mula kay Coco at sa Dreamscape Entertainment na ididirihe naman nina Malou Sevilla at Abel Sunpoco.

http://www.philstar.com/pang-movies/2015/05/19/1456241/aprub-kay-susan-coco-napiling-bagong-fpj

josejoshua

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 3502
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #35 on: May 19, 2015, 01:57:22 PM »
Mas maganda sana kung medyo mature-looking si Coco rito. Maybe huwag siyang mag-shave para mas may angas sa role. Kasi pare-pareho lang ang appearances niya sa TV. Para mabawasan yung umay-factor kumbaga. Just a suggestion lang.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #36 on: May 19, 2015, 03:01:17 PM »
I suggest na i hope si Angel Locsin na lang ang isa sa mga leading ladies ni Coco rito aside from Bela. kasi si Angeline pang romcom lang talaga siya like Toni G and Sarah G. tsaka proven naman ang chemistry ng CocoGel sa MMK di ba?

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20284
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #37 on: May 19, 2015, 03:06:43 PM »
....try kaya nila si Kyla nalang for Angeline's role? hahaha.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #38 on: May 19, 2015, 06:32:50 PM »
Mas maganda sana kung medyo mature-looking si Coco rito. Maybe huwag siyang mag-shave para mas may angas sa role. Kasi pare-pareho lang ang appearances niya sa TV. Para mabawasan yung umay-factor kumbaga. Just a suggestion lang.
Pulis role niya kaya dapat naka-shave siya. Hehe.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #39 on: May 19, 2015, 06:33:51 PM »
....try kaya nila si Kyla nalang for Angeline's role? hahaha.
Mas okay na singer si Kyla. Hehehe.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #40 on: May 19, 2015, 06:35:47 PM »
I suggest na i hope si Angel Locsin na lang ang isa sa mga leading ladies ni Coco rito aside from Bela. kasi si Angeline pang romcom lang talaga siya like Toni G and Sarah G. tsaka proven naman ang chemistry ng CocoGel sa MMK di ba?
Eh ayaw ata ipahiram ng SC si Angel. Saka baka masapawan si Bela. Lol Okay na rin si Angge para sa romcom aspect ng show. Hahaha.

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #41 on: May 19, 2015, 08:49:52 PM »
Angeline reunites with Coco in new soap



By Reyma Buan-Deveza, ABS-CBNnews.com
Posted at 05/19/2015 4:12 PM | Updated as of 05/19/2015 4:16 PM

MANILA - Angeline Quinto and Coco Martin are reunited in the upcoming series "Ang Probinsiyano" three years after they first teamed up on the big screen in "Born to Love You," which was also the singer's debut movie.

In a press conference on Monday, Quinto said she is excited to work again with Martin.

"Very excited ako kasi si Coco naman ang unang nakatrabaho ko sa pag-arte ko. Ngayon sobra akong natutuwa kasi nakasama ako sa project ng Dreamscape so excited po ako," she said.

It's no secret that Quinto had a huge crush on Martin when they were shooting the movie.

So is she ready for memories to start flooding back?

"Memories agad? Pwede bang bagong memories naman? Natapos na 'yon," quipped Quinto, who is now dating singer Erik Santos.

This is not the first time Quinto is doing a teleserye; in 2013, she starred in "Kahit Konting Pagtingin" with Sam Milby and Paulo Avelino.

"Gusto ko lang sabihin sa sarili ko na sobra akong blessed kasi katrabaho ko sila lahat. Kasi once na tanggapin ko ang takot eh magtutuloy-tuloy na 'yon at baka hindi ko magawa ng maayos ang trabaho ko. Sobra akong thankful na nandito ako sa harapan niyo at kasama sila," she said.

Like Martin, Quinto also vowed to work hard to give justice to her role.

"Promise ko naman na gagawin ko ang best ko para sa napakalaking proyekto ng Dreamscape," she said.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #42 on: May 20, 2015, 01:00:45 AM »
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #43 on: May 20, 2015, 09:15:01 AM »
....try kaya nila si Kyla nalang for Angeline's role? hahaha.
Mas okay na singer si Kyla. Hehehe.
Pwede rin naman si Kyla as actress. May acting experience na rin siya. Sa pagkakatanda ko, si Kyla ang gumanap na Sarah Geronimo sa life story ni Sarah G noon sa Magpakailanman.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #44 on: May 20, 2015, 02:10:53 PM »
Coco Martin, matindi ang nerbiyos sa gagampanang dating role ni FPJ
Posted by Reggee Bonoan on May 20th, 2015

TAMA ang sitsit ng aming source noong Lunes ng tanghali na ang ia-announce na bagong teleserye kinahapunan ng Dreamscape Entertainment ay remake ng pelikula ni Fernando Poe, Jr. na Ang Probinsiyano na pagbibidahan ni Coco Martin.
Ang pumili kay Coco para gumanap sa dual role (ng kambal na pulis Maynila at pulis probinsiya) ay walang iba kundi ang ABS-CBN CEO/President na si Ms. Charo Santos-Concio.
Susundin ang orihinal na istorya ng Ang Probinsiyano (sinulat nina Pablo S. Gomez at Manny Buising) na isasalin sa teleserye ng headwriter ng Dreamscape Entertainment na s i Joel Mercado at ididirihe nina Ms. Malu Sevilla at Avel Sunpongco. Sisimulan na nila ang taping sa katapusan ng Mayo.
Isa sa mga pinakapaboritong pelikula ng FPJ fans ang Ang Probinsiyano, tungkol sa isang matapat na pulis probinsiya na lumuwas ng siyudad para alamin ang katotohanan sa pagkakapaslang sa kakambal niyang pulis Maynila.
 
Makakasama ni Coco sina Arjo Atayde (gaganap bilang best friend ni Coco pero may lihim na gawain), Angeline Quinto at Bela Padilla (bilang leading ladies). Gaganap namang lola ng probinsiyano ang Da Wife ni Da King na si Ms. Susan Roces.
 
Kasama rin si Albert Martinez bilang tatay ni Arjo at labis na nagpapasalamat kay Coco dahil parati siyang nire-request sa mga project nito. Ka-join din si Jaime Fabregas.
 
Nalaman namin na matagal nang nababanggit ni Coco sa Dreamscape honcho na si Mr. Deo Endrinal na magandang project Ang Probinsiyano at kung may tsansa ay gusto niyang gawin ito.
 
“Honestly, ako po ‘yung nagbigay ng idea sa kanila kasi gusto po ni Ma’am Charo na gumawa ng isang police na istorya, dito nga po sa teleserye namin. And then no’ng sinabi nina Sir Deo na ‘yun ang gusto ni Ma’am Charo and then sinabi ko po, ‘Alam n’yo po, may magandang pelikula si FPJ, Ang Probinsyano.’ So ‘yun, after that pinagusapan nila,” kuwento ng aktor.
 
Parang pinagtiyap naman ng pagkakataon na bago pala pumanaw si Da King ay may verbal agreement na sila ni Ms. Charo na ipinagkakatiwala niya ang movie library niya sa ABS-CBN. Naging pormal ang usapan at natupad ang kahilingan na iyon ni Da King.
 
Kaya abut-abot ang pasasalamat ni Ms. Susan sa pagbibigay-halaga ng ABS-CBN sa mga pelikula ng asawa.
 
Bago rin tinalakay ng management ang remake sa Ang Probinsiyano ay nabanggit na ni Ms. Susan kay Coco noong ginagawa nila ang Walang Hanggan (2012) ang mga project ni FPJ na bagay sa aktor. Avid fan ni Da King si Coco.
 
“Bata pa lang po ako… ang lola ko kasi talagang solid FPJ fan. No’ng bata ako, ‘yung nakalakihan ko talaga, ang manood ng Filipino classic movies, isa po do’n ang mga pelikula ni FPJ,” tuwang-tuwang sabi ng actor.
 
Kinakabahan pero excited siya habang naghahanda para sa Ang Probinsiyano.
 
“Matindi… matinding nerbiyos. Sabi ko nga po napakasuwerte ko na kahit paano magagampanan ko ang isa sa mga pelikulang talagang tumatak sa ating mga Pilipino. Siyempre po malaki ang pressure sa akin na alam ko na never kong mapapantayan, pero kahit papa’no mabibigyan ko ng justice ‘yung character ko.
 
“Gusto ko sana tangkilikin ng manonood ‘yung gagawin naming soap opera, ngayon po ‘yung preparation po sa kaalaman po ng marami ang ginagawa ko more on drama and then nag-aaksiyon din ako paminsan-minsan.
 
“And then sinabi ko talaga, sana magkaroon ako ng matinding training dahil iba si FPJ, iba ang ginagawa niya sa kanyang mga pelikula. Ayoko naman na mapahiya ako at kahit papano mapaghandaan ko,” kuwento pa ni Coco.

http://www.balita.net.ph/2015/05/20/coco-martin-matindi-ang-nerbiyos-sa-gagampanang-dating-role-ni-fpj/