Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 269704 times)

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #225 on: October 06, 2015, 11:19:31 AM »
Grabe, naaliw talaga ako sa episode ng FAP kagabi. kakatuwa at nakakakilig ang mga CocoJam scenes.

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #226 on: October 08, 2015, 10:43:57 PM »
I wonder how Cardo will be able to maintain his cover since he loves Maja and his life with Onyok and Santino and now he has to pretend to be his twin brother, live his life, get into bed with a hot woman but not the one he loves and a kid that is not really his but act as his own, that's too much for anyone to take. Coco of course on point on everything!

BTW YES, NASH-LENE reunion even if it was only for a few minutes. More legit kilig scenes between them here than with him and Alexa on LUV U, book it!

Nice to see Iza make a cameo and bravo on the English. We all knew how hard she was with speaking English and she had some difficult words to pronounce with virtually no issue whatsoever, or it could be done in a few takes (that I can't confirm).
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

komitsu

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 396
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #227 on: October 10, 2015, 05:20:28 AM »
Cardo and Onyok's chemistry is really good. Kapag nakikita ko silang magkasama, remake ng "Walang Matigas Na Tinapay Sa Mainit Na Kape" ang naiisip ko.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #228 on: October 11, 2015, 01:06:21 PM »
Ang Probinsiyano ni Coco suportado ng fans ni FPJ, nakakuha ng 42% rating
By Ervin Santiago
Bandera
2:00 am | Sunday, October 11th, 2015

Waging-wagi sa ratings game ang Primetime Bida series ng ABS-CBN na Ang Probinsiyano nina Coco Martin at Susan Roces. Noong Huwebes, nakapagtala na naman ito ng bagong record.

Base sa huling survey ng Kantar Media, winasak na nito ang rating na 41.6 percent sa pilot episode ng FPJ’s Ang Probinsyano dahil umabot sa 42 percent ang nakuha nito noong Huwebes kung saan ipinalabas ang mga eksena ni Coco bilang si Cardo na kinailangan nang magpanggap bilang si Ador, ang kakambal niyang pulis na pinatay ng karakter ni Arjo Atayde.

Si Cardo, ay member ng Philippine National Police Special Action Force na pinakiusapan ng kanilang tiyuhin na magpanggap bilang si Ador para ipagpatuloy ang malaking operasyong nasimulan nito laban sa mga sindikato.

In fairness, talagang tinututukan ng madlang pipol gabi-gabi ang serye ni Coco dahil sa ganda ng kuwento nito at sa galing ng lahat ng artistang kasali sa programa. Hindi rin ito pinalalampas ng mga loyalistang fans ni FPJ na nakaanood sa movie version ng Ang Probinsiyano.

Kasali rin dito sina Bela Padilla, Maja Salvador, Jaime Fabregas at marami pang iba. Ito’y sa direksiyon nina Malu Sevilla ay Avel Dunpongco sa ilalim ng Dreamscape Entertainment.

http://bandera.inquirer.net/105043/ang-probinsiyano-ni-coco-suportado-ng-fans-ni-fpj-nakakuha-ng-42-rating

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #229 on: October 14, 2015, 10:49:52 AM »
HAVEY: Noong weekend, sina Claudine Barretto at Iza Calzado ang magkasama sa Etiquette For Mistresses promo sa Bacolod at sa book signing ng libro ni Jullie Yap-Daza na pinagbasehan ng pelikula under Chito Roño.


Nang makausap sila ng press, naibunyag na pareho silang may susunod nang project pagkatapos ng kanilang pelikula sa Star Cinema.


“I’m doing a film with Viva as my next film. It’ll be directed by Wenn Deramas and it’ll star me with someone na nakatrabaho ko na pero confidential pa,” sabi ni Claudine.


Pinilit Kong Limutin Ka raw ang title at hoping si Claudine na makasama si Piolo Pascual muli sa pelikula.

Pati rin daw sina Aga Muhlach, Jericho Rosales at maging si Coco Martin, gusto niyang makasama sa pelikula.


Si Iza naman, ipapalabas na ang kanyang international film na Showdown In Manila.


Natapos na rin niya ang kanyang guest role sa Haunted Mansion under Jun Lana sa Regal Films.


Nakatakda ring tapusin ni Iza ang dalawang movie projects under Paolo Herras for Buhay Habang Buhay (for Cine Filipino) at Quark Henares entitled Belen.


Marami ring magandang feedback at reviews kay Iza bilang Col. Olivia Bueneventura sa Ang Probinsyano.


Dahil sa pagganap na iyun, hindi malayong maisip na magpasulput-sulpot ang kanyang character sa toprating teleserye ni Coco Martin.



On top of this, ariba rin sa endorsements si Iza. Kaka-launch lang kahapon ni Iza bilang bagong magandang mukha ng Ponds.


Katatapos din lang ng pictorial niya sa isang clothing endorsements at nakapila na ang mga susunod.


“I’m just so blessed and I am extremely thankful. Bring it on!” sabi ni Izadora.


At the end of the week, paalis ng bansa si Iza para sa mga mahahalagang meeting niya abroad para sa kanyang Hollywood dream.

http://www.abante-tonite.com/issue/oct1415/showbiz_nf.htm#.Vh3DDVOfeRM

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #230 on: October 14, 2015, 10:56:16 AM »
Bilib na bilib ang mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe sa pagganap ni Coco Martin sa TV adaptation ng dating pelikula ni Fernando Poe Jr. na Ang Probinsyano.


Sabi ng Reyna ng Pelikulang Pilipino, si Coco ay kapuri-puri hindi lang sa pagiging magaling na actor kundi rin sa pagiging mapagpa­kumbaba kahit itinutu­ring na siyang hari ng teleserye sa bansa.


Dagdag ni Susan, may pagkakahawig sina Coco at FPJ sa pag-uugali at pagtatrabaho.


Bunga na rin ng closeness nilang dalawa, tanging si Coco ang pinayagan ni Swanie na tumawag sa kanya ng “lola”.


Si Susan ang gumaganap na lola ni Coco sa papel ng actor na Ador/Cardo sa Ang Probinsyano.


Maging ang anak ni FPJ na si Sen. Grace ay manghang-mangha sa galing sa pag-arte ng aktor.


“Magaling talaga si Coco doon. Bagay siya talaga sa action film at maganda talaga ang istorya,” sabi ng senadora.


Tuwang-tuwa nga si Grace sa muling pagbuhay ng ABS-CBN ng Ang Probinsyano sa telebisyon dahil na rin sa positibo nitong epekto sa pagtingin ng mga tao sa mga alagad ng batas sa gitna ng pagkakasangkot ng ilang kawani sa mga iskandalo at krimen.

http://www.abante-tonite.com/issue/oct1415/showbiz_al.htm#.Vh3EDFOfeRM

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #231 on: October 16, 2015, 07:06:44 PM »
Of course Onyok will be the reason why the cover of Cardo will be blown and now he'll be caught up in the human trafficking web that is partly orchestrated by Joaquin, oy vey!

Cardo is getting too sloppy with the way he handles business especially with the jumper guy and shouldn't be so awkward with the wife (granted she is hot and all, its not Maja), the way he eats, now Ador snores and also can't cook kare-kare! And as lolo said, kare-kare is not of national security or something like that, lol.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #232 on: October 17, 2015, 03:49:55 AM »
'Ang Probinsyano' sets new ratings record

ABS-CBNnews.com
Posted at 10/16/2015 7:15 PM

MANILA - "Ang Probinsyano" is a ratings beast.


For a seventh consecutive day, the ABS-CBN program breached 40% in nationwide ratings, according to a Kantar Media panel size that represents 100% of the Philippine TV viewing population.

On Friday, the Kapamilya network announced that the October 15 episode of "Ang Probinsyano" registered a national television rating of 42.9%, beating its previous record of 42.6% set last October 8.

"Ang Probinsyano," which is produced by Dreamscape," stars Coco Martin, Maja Salvador, Bela Padilla, Arjo Atayde, Jaime Fabregas, and Susan Roces. It is a television adaptation of a Fernando Poe Jr. film of the same name.

Meanwhile, the afternoon drama "Pasion de Amor" also broke its own record, garnering a national television rating of 29.2%. The October 15 episode is now the most watched television program in the 6 p.m. timeslot for 2015.

Other primetime offerings "Pangako Sa 'Yo" and "On the Wings of Love" posted similar success. Both shows managed to maintain its overwhelming lead over rival programs such as "Beautiful Strangers" and "My Faithful Husband."
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #233 on: October 17, 2015, 04:14:05 AM »
Just wanted to give special mention to the little girl friend with Onyok, she has a real star appeal to her in her few scenes. I am very high on her.
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #234 on: October 19, 2015, 04:06:47 PM »
Coco Martin muling naghahari sa Primetime, mag-inang Susan at Sen. Grace Poe puring-puri ang aktor (Nananatiling humble sa kabila ng malaking tagumpay)

MULING pinatunayan ni Coco Martin na siya pa rin ang Teleserye King at nag-iisang King of Primetime. Ito ay base sa napakataas na rating ng kanyang “Ang Probinsyano,” na unang linggo pa lang sa ere ay itinanghal nang number one over all show in Philippine TV! Uma-average sa 40-41% nationwide rating ang “Ang Probinsyano.”

Naabot nito ang peak na 42.6% rating kamakailan. Bukod sa mataas na rating, gabi-gabi rin na nagta-top trending ang Ang Probinsyano sa Twitter. Base sa mga comment tungkol sa Ang Probinsyano, maganda at de kalibre ang produksyon nito.

“Lahat ng aspeto ng AP, mahusay! From the actor’s performance, to music, editing and cinematography! Kompleto, wala ka nang hahanapin pa!” says one viewer.

Matagumpay ding naibalik ng AP ang male crowd sa primetime bida! “Nagulat ako kasi ‘yung tatay ko na walang kahilig-hilig sa teleserye, ayun, hooked na hooked! Enjoy na enjoy siya!” sabi ng isang viewer.

Sa kabila ng malaking tagumpay ng kanyang teleserye, Coco remains humble. When asked about the success of his teleserye, “Sobra pong salamat. Hindi namin ini-expect ‘yung ganitong reception ng tao, pero sobra naming naa-appreciate. Masaya kami na nag-i-enjoy sila,” sabi ng ever humble na si Coco.

Ang Ang Probinsyano ay TV adaption ng FPJ classic. Nabuo ito sa pakikipagtulungan ng ABS-CBN, FPJ productions at Dreamscape. Mula sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco.

Samantala, napahanga at kinabiliban ng mag-inang Susan Roces at Sen. Grace Poe, ang mahusay na pagganap ni Coco Martin bilang pulis sa TV adaptation ng “Ang Probinsiya” na blockbuster film ni Da king Fernando Poe, Jr., noong 1997.

Sey ng Queen of Philippine Movies (Susan), si Coco aniya ay kapuri-puri hindi lang sa pagiging magaling na actor kundi sa pagiging mapagkumbaba kahit na itinuturing na siyang Hari ng Teleserye ng bansa. Dagdag ng widow ni FPJ, mayroon raw pagkakahawig si Coco at si FPJ sa pag-uugali, lalo na sa pagtatrabaho. Bunga na rin ng closeness nilang dalawa na madalas silang magkasama sa set at magka-eksena. Sa mga kabataang artista tanging si Coco lang ang pinayagan ni Manang Swanie na tumawag sa kanyang “lola.”

Si Ms. Susan ang mismong gumaganap na lola ni Coco sa papel ng actor na Ador/Cardo sa FPJ’s Ang Probinsyano. Maging ang anak ni FPJ na si Sen. Grace ay manghang-mangha sa galing sa pag-arte ng batang Kapamilya aktor.

“Magaling talaga si Coco roon. Bagay siya talaga sa action film at maganda talaga ang istorya,” pahayag pa ng butihing Senadora.

Aniya, hindi niya kinakaligtaang panoorin ang teleserye ng ABS-CBN kung hindi busy ang kaniyang schedule lalo’t ang nasabing pelikula ng ama ang naging inspirasyon niya sa kanyang adbokasiya sa Senado na pabanguhin ang imahe ng pulis sa publiko.

Tuwang-tuwa ang lady politician na tumatakbong presidente sa 2016 national election sa muling pagbuhay ng ABS-CBN sa “Ang Probinsyano” sa telebisyon dahil na rin sa positibo nitong epekto sa pagtingin ng mga tao sa mga alagad ng batas sa gitna ng pagkakasangkot ng ilang kawani sa mga eskandalo at krimen.

Marami nga raw natutuwang mga pulis dahil ipinapakita ng teleserye ang mga sakripisyo ng mga alagad ng batas sa pagsisiguro ng kaligtasan ng publiko.

Coco Martin nag-iisa ka lang gyud!

http://www.hatawtabloid.com/2015/10/16/coco-martin-muling-naghahari-sa-primetime-mag-inang-susan-at-sen-grace-poe-puring-puri-ang-aktor-nananatiling-humble-sa-kabila-ng-malaking-tagumpay/

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #235 on: October 20, 2015, 11:21:42 PM »
Someone just send back Onyok, he's just really annoying... cute but just send him back. He could have told him he's in a secret mission if he won't just leave. GO AWAY!
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #236 on: October 21, 2015, 01:04:44 PM »
Batang sidekick ni Coco na si Onyok, naka-condo na!

ALAM mo ba Ateng Maricris na ang paborito nating si Onyok sa Ang Probinsyano ay naka-condo na malapit sa ABS-CBN?

Yes, tutyal na si Onyok dahil hindi na niya kayang mag-uwian mula Maynila hanggang Sta. Cruz, Laguna kaya pinayuhan siyang umupa ng condo kasama ang magulang. At in fairness, galing sa talent fee ng bagets ang pambayad.

Samakatuwid, malaki ang talent fee ni bagets para kaya niyang magbayad ng upa ng isang condo?

Binibiro nga namin ang nagkuwento na naka-condo na si Onyok na ganoon sa umpisa ang mga artistang nagsisimula, maliit na condo malapit sa ABS-CBN at pagkatapos ay magpapatayo na ng bahay sa mga eksklusibong subdibisyon sa Commonwealth, Quezon City.

Natanong namin kung paano ang pag-aaral ni Onyok? “Home study siya, may modules na ibinibigay kay Onyok at kaka-5 years old lang niya, ang talino, grabe ang memorya.”

Samantala, puring-puri rin daw si Onyok sa recording studio na nagre-nag-record siya ng awitin para sa promo ng Ang Probinsyano sa ASAP20 na gaganapin sa Cebu.

“May alam siya sa musika, alam niya ang tono, at his age, may alam na sa tono kaya hindi na nakatataka kung maging singer ‘yan someday,” kuwento pa sa amin ng taga-Dos.

Bongga si Onyok kaya hindi kami nagkamaling gustuhin siya, talented at nakatutuwa talaga.

FACT SHEET – Reggee Bonoan

http://www.hatawtabloid.com/2015/10/19/batang-sidekick-ni-coco-na-si-onyok-naka-condo-na/

AnimeFan23

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2746
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #237 on: October 30, 2015, 08:39:59 PM »
My god!!! Sir Chief is going to be Villain!!! :o

Walang kupas pa rin sila Coco at Ms. Susan! Bravo!

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #238 on: October 31, 2015, 09:24:17 AM »
i think na sila Lola Kap at Delfin lang na makakaalam ng katotohanang patay na si Ador.

eva2014

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 689
  • Undercover Boss / The Hunger Games / Royal Pirates
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #239 on: October 31, 2015, 10:23:21 AM »
Kulit ni Onyok!