Welcome, Kapamilya. Please or

Author Topic: FPJ's Ang Probinsyano (OT)  (Read 253130 times)

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« on: May 18, 2015, 03:40:39 PM »
abscbnpr
3 minutes ago
Coco Martin is FPJ's #AngProbinsyano. #DreamscapeMediaAnnouncement
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #1 on: May 18, 2015, 03:44:08 PM »
Inihahandog ng ABS-CBN, FPJ Productions at Dreamscape ang "Ang Probinsyano" na pagbibidahan ni Coco Martin. Kasama sina Albert  Martinez, Agot Isidro, Angeline Quinto, Arjo Atayde, Bela Padilla, Jaime Fabregas at Ms. Susan Roces sa direksyon nina Malu Sevilla at Avel Sunpongco. #FPJsAngProbinsyano
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

TFC Godfather

  • Global Moderator
  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 23640
  • Kapamilya Legend
    • View Profile
    • TFC Godfather Facebook
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #2 on: May 18, 2015, 03:44:55 PM »
Ummm Angeline acting again? On the flipside, welcome back to ABS, Bela Padilla!
|||◄+--------| TFC Godfather circa 2003 |--------+►|||

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20141
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #3 on: May 18, 2015, 03:59:06 PM »
Bela Padilla balik-KAPAMILYA!

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #4 on: May 18, 2015, 04:18:35 PM »
Leading ladies talaga sina Angeline Quinto at Bela Padilla? Swerte talaga ni Bela, big project kaagad sa pagbabalik nya. Good thing dito nilagay si Arjo Atayde magiging challenging yung role nya dito. Buti naman at nakuha ulit ni si Agot Isidro and Jaime Fabregas at nandito din si Albert Martinez na lagare sa two shows. Expected na nandito si Susan Roces. Feeling ko kapalit sya ng Nathaniel since mukhang ala-Juan Dela Cruz din ito na may MLKI vibes.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #5 on: May 18, 2015, 04:20:58 PM »
So eto na yung Bukas Palad? Hehe.

Welcome back Bela! Buti bumalik siya para malimutan na niya nang tuluyan ang kulong-banyo trauma niya. Hahaha.

Si Angge siguro ang gaganap sa role ni Amanda Page tapos si Bela kay Dindi. Pero mukhang bagong treatment ito at hindi gaanong based sa movie since teleserye siya. Dapat bff ni Coco na lang si Angge.

docetrece

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 961
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #6 on: May 18, 2015, 04:23:11 PM »
Leading ladies talaga sina Angeline Quinto at Bela Padilla? Swerte talaga ni Bela, big project kaagad sa pagbabalik nya. Good thing dito nilagay si Arjo Atayde magiging challenging yung role nya dito. Buti naman at nakuha ulit ni si Agot Isidro and Jaime Fabregas at nandito din si Albert Martinez na lagare sa two shows. Expected na nandito si Susan Roces. Feeling ko kapalit sya ng Nathaniel since mukhang ala-Juan Dela Cruz din ito na may MLKI vibes.
Guest role lang naman si Albert sa teleserye ni JM. Baka nga kapalit ito ng Nathaniel.

dhezcada

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2404
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #7 on: May 18, 2015, 04:24:38 PM »
Coco napili ng ABS-CBN para magbida sa ‘Ang Probinsiyano’ ni FPJ
By Reggee Bonoan
Bandera
3:47 pm | Monday, May 18th, 2015

BONGGA si Coco Martin dahil siya nga ang napiling magbida sa bagong serye ng ABS-CBN na Probinsiyano na naging pelikula noon ni Da King, Fernando Poe, Jr..

Gagawing teleserye ng Dreamscape Entertainment ang Probinsiyano,  at si Coco nga ang bubuhay sa dating karakter ni FPJ, at isa sa magiging leading lady niya rito ay si Angeline Quinto na na-link din sa kanya noon.

Kaya ang tanong namin, hindi kaya mabuhay ulit ang kanilang nakaraan? Ang Probinsiyano ang next project ng aktor pagkatapos ng Wansapanataym Presents Yamishita’s Treasures na napapanood tuwing Linggo ng gabi kung saan kasama naman niya si Julia Montes.
Anyway, may special participation daw sa nasabing proyekto si ABS-CBN President at CEO Charo Santos-Concio. Kung ano ang magiging role niya at kung sinu-sino pa ang makakasama ni Coco, ay malalaman natin mamaya sa gaganaping pocket presscon ng Dreamscape.

Tiyak na matatanong din kung bakit hindi na lang ginawang pelikula muli ang Probinsiyano para sa big screen ito mapanood, at tiyak naming isa sa mga irarason ng mga taong bubuo sa nasabing proyekto na mas maganda kung sa TV ito mapapanood para buong mundo ang makasubaybay.

Ito rin kasi ang naging sagot ng mga taga-Star Creatives ng ABS-CBN sa TV remake ng Pangako Sa ‘Yo sa tanong kung bakit hindi na lang ito ginawang pelikula.

Kung sabagay, sa sine, isang oras at kalahati lang ito mapapanood, samantalang kapag serye, ilang buwan itong mapapanood ng mga Pinoy.

Kaya sa mga Coconatics, Coco-Jams, at iba pang fan clubs ni Coco, may bago na naman kayong susubaybayan gabi-gabi sa Primetime Bida.

Tanong uli, may special participation din kaya sina Ms. Susan Roces at Sen. Grace Poe-Llamanzares sa TV remake ng pelikula noon ni FPJ?

http://bandera.inquirer.net/91991/coco-napili-ng-abs-cbn-para-magbida-sa-ang-probinsiyano-ni-fpj

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #8 on: May 18, 2015, 04:25:13 PM »
^Eto pala yung sinabi ni Albert na offer sa kanya. May sequel pala yung Ang Probinsyano sequel so pwedeng pang-teleserye talaga.

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #9 on: May 18, 2015, 04:28:24 PM »
Di kaya eto ang pagbabalik ng Sineserye Presents, na this time eh mga films ni FPJ? Tapos ang last Sineserye was Susan Roces collection naman.

Welcome back Bela Padilla! OK lang kahit bumalik na ng GMA si Cristine (di pa confirmed though), tutal pwede namang mag-relyebo sina Bela and Yam for the mature sexy actress roles. Hehehe.

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #10 on: May 18, 2015, 04:33:25 PM »
Diba Sineserye Presents din yung Agimat?

Nag-guest recently sa It's Showtime si Cristine Reyes. Pwede sya or Yam Concepcion sana yung isa pang leading lady. Hindi ko talaga feel si Angeline na mag-teleserye lalo na't heavy drama, okay sya as movie actress na comedy. May pagka-comedic ba yung isang leading lady sa Probinsyano movie?

billicent_1219

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 20141
  • I sing, dance, write stories, play piano & guitar!
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #11 on: May 18, 2015, 04:39:26 PM »
Leading ladies talaga sina Angeline Quinto at Bela Padilla? Swerte talaga ni Bela, big project kaagad sa pagbabalik nya. Good thing dito nilagay si Arjo Atayde magiging challenging yung role nya dito. Buti naman at nakuha ulit ni si Agot Isidro and Jaime Fabregas at nandito din si Albert Martinez na lagare sa two shows. Expected na nandito si Susan Roces. Feeling ko kapalit sya ng Nathaniel since mukhang ala-Juan Dela Cruz din ito na may MLKI vibes.
Guest role lang naman si Albert sa teleserye ni JM. Baka nga kapalit ito ng Nathaniel.
akala ko regular si Albert sa JM serye?

erzo01

  • Guest
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #12 on: May 18, 2015, 04:42:37 PM »
@royalty Oo nga, may Ramon Revilla collection pa pala. Pang-hapon yan dati, Hapontastic era. Tapos di ata naisalang lahat ng films.

Sina Amanda Page and Dindi Gallardo ang leading ladies ni FPJ sa pelikula.

To be fair, DS na DS ang plot.

Quote
Ador (Fernando Poe Jr.) is killed in a drug bust operation after he was betrayed by his fellow cop. His superior devices a plan for his twin brother, Kardo, a provincial cop, to assume his identity so they can fool and capture the drug syndicate and the corrupt policemen responsible for his death.

And magiging asawa raw ni Coco si Bela sa remake.

komitsu

  • Sr. Member
  • ****
  • Posts: 395
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #13 on: May 18, 2015, 04:56:43 PM »
Leading ladies talaga sina Angeline Quinto at Bela Padilla? Swerte talaga ni Bela, big project kaagad sa pagbabalik nya. Good thing dito nilagay si Arjo Atayde magiging challenging yung role nya dito. Buti naman at nakuha ulit ni si Agot Isidro and Jaime Fabregas at nandito din si Albert Martinez na lagare sa two shows. Expected na nandito si Susan Roces. Feeling ko kapalit sya ng Nathaniel since mukhang ala-Juan Dela Cruz din ito na may MLKI vibes.

Malabong mapunta ito sa timeslot ng Nathaniel....Dahil kahit konting vibes o bahid ng JDC at MLKI  WALA sa Probinsyano....I knew it because I have watched both the movie and it's sequel. Probinsyano is in the action/comedy genre....Although may action din naman ang MLKI, mas more on drama iyon compare to this. Malayong-malayo ang aura nila sa isa't isa. At mas lalong hindi mo ito pwedeng icompare sa JDC, dahil hindi naman fantasy ito at mas lalong hindi superhero ang peg ng probinsyano.

At kung gagawin nilang mala JDC ang style nito porket si Coco ang bida, parang ininsulto na rin nila ang legacy ni FPJ.

royalty

  • Hero Member
  • *****
  • Posts: 2491
    • View Profile
Re: FPJ's Ang Probinsyano (OT)
« Reply #14 on: May 18, 2015, 05:03:32 PM »
^Sabi naman ni Susan Roces "Huwag po ninyo hanapan si Coco sa mga kilos ni FPJ, ang gagawin namin ay inspired from" so baka may changes din? Kung hindi pwede sa slot ng Nathaniel dun sa slot ng Bridges of Love, hindi pwede sa Forevermore since Pangako Sa'Yo na ang kapalit.

Hindi ko napanood ang dalawang movies so maganda nga kung action/comedy sya at hindi heavy drama. May nag-suggest din na KC Concepcion na one of the leading ladies since last serye nya was Ikaw Lamang.