

KRIS NAPIKON KAY GISELLE!
(RUEL MENDOZA)
DIRE-DIRETSONG ikinuwento ng komedyanteng si Giselle Sanchez ang pangit na experience niya kay Kris Lawrence. Naganap daw ang insidente nang mag-host si Giselle sa isang fundraising event sa Makati City kamakailan. At isa nga sa mga guest that night ay ang Star In A Million grand winner na si Kris Lawrence. Inamin ni Giselle na hindi niya kilala ang naturang singer.
"Noong tinawag ko siya, clueless ako tungkol sa kanya. So I asked him kung puwede ba siyang magsabi ng konti about himself. Doon siya parang nagulat sa akin. Feeling niya kasi kilala ko siya. Eh hindi ko nga siya kilala. Doon palang parang nairita na siya sa akin.
"Tapos may banda pala siya pero siya lang ang natawag ko. Eh inabot lang kasi sa akin na cue card ay ‘yung name niya ang nakalagay. Malay ko ba kung may banda siya, ‘di ba? So nairita na siya roon. Sabi niya, tutugtog na lang siya sa keyboards.
"Eh ang naging mali niya ay pinaalis niya sa keyboards si Carding Cruz, Jr. Eh haligi ng music industry si Carding Cruz, ‘di ba? So sinabi ko kay Kris na bakit niya ginawa iyon?
"Doesn't he know who Carding Cruz is? Doon siguro siya na super offend kasi si Carding Cruz kilala ko, eh siya hindi ko kilala! Ha! Ha! Ha! Ha!" sabi ni Giselle na sinabayan pa ng malakas na tawa.
Nag-walkout daw si Kris pero hindi pa rin natapos doon ang paninindigan ni Giselle na ‘di niya kilala si Kris.
"Gumawa kasi siya ng eksena, so umeksena rin ako! Ha! Ha! Ha! Ha!
"Sabi ko sa audience, ‘Nag-walkout po si Kris Lawrence kasi ‘di ko po siya kilala! Nagalit siya!' Ha! Ha! Ha! Ha!
"As in pinagtawanan ko na lang ang nangyari pero si Kris, pikon na pikon siya! Ha! Ha! Ha! Ha!"
Sinabihan nga si Giselle ng manager ni Kris na na-offend daw ito sa kanya. Nag-sorry naman si Giselle at sana raw hindi ito napikon ng gano'n dahil talaga naman daw ‘di niya kilala ito.
"Noong mag-sorry ako, aba inirapan pa ako! Ha! Ha! Ha! Ha! "Kalokah, kalalake niyang tao, nang-iirap! Ha! Ha! Ha! Ha!
"Tapos after ng show, nagkita ulit kami sa labas na ng venue, sincerely sinabi ko sa kanya na peace na kami at nag-sorry na talaga ako. Aba lalo akong inirapan! Tama ba ‘yon?
"Ang sa akin lang naman, hello, hindi lahat ng tao kilala ka. Kaya huwag siyang pikon. Ang pikon talo, ‘no! Ha! Ha! Ha! Ha!"
Kasama nga pala si Giselle sa Manay Po 2: Overload.
http://www.abante.com.ph/issue/mar2408/ent_other02.htm