|
|
Ruffa Gutierrez
Last post 01-15-2009, 8:58 PM by twilight101. 775 replies.
-
08-01-2008, 8:30 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
* * *
EXCITED si Ruffa Gutierrez sa pelikulang For the First Time na pinagbibidahan ng kapatid niyang si Richard Gutierrez at si KC Concepcion under Star Cinema. Nangako si Ruffa na tutulong sa promo nito. In fact, she asked for a copy of the film’s trailer dahil i-a-upload daw niya sa sariling website, ang www.ruffagutierrez.com. Gusto niya na ma-ensure ang success ng first movie ng kapatid sa Star Cinema, lalo pa’t nakarating sa kanya ang balitang box-office hit ang John Lloyd Cruz-Sarah Geronimo starrer na A Very Special Love. Very proud si Ruffa sa accomplishments ni Richard. No-comment naman siya when asked kung ano ang reaksyon niya sa balitang ito ang highest-paid GMA-7 star. Actually, very thankful si Ruffa dahil Richard now makes his own money. Malaki na rin daw ang naitutulong nito sa family nila. “It’s payback time,” sabi ni Ruffa. “Noon naman kasi, ako ang nag-i-spend for them, ’no! Now that he makes big money, siya naman. And he doesn’t mind naman. Very loving brother siya.” Ruffa plays the role of Daniella in I Love Betty La Fea. Ipalalabas na ito sa ABS-CBN sometime September.
* * *
SPEAKING of Ruffa, tatlo ang choice niya para sa papel ni Armando sa I Love Betty La Fea: Sina Gabby Concepcion, Piolo Pascual at John Lloyd. Ayon sa TV host-actress, Gabby has been her showbiz crush at gusto niya itong makatrabaho ulit. Hanga naman siya sa husay ni Piolo bilang aktor habang si John Lloyd, kaibigan ng kapatid niyang si Raymond. “John Lloyd is in the same group nina Raymond, Anne (Curtis), Liz Uy and Sam Milby,” aniya. “And I heard na he is a good actor. Ruffa has already taped an episode for I Love Betty La Fea, pero hindi pa niya nakikita kung sino talaga ang gaganap na Armando. Ayaw na niyang ma-stress-out kung sino ba si Armando, kaya hihintayin na lang niyang makita sa set kung sino sa tatlo ang masuwerteng nakakuha ng coveted role. ERIC JOHN SALUT
|
|
-
08-02-2008, 1:03 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
| I’m full of appeal! -- Ruffa | | By: Mercy Lejarde | Tell & Tell
|
* SA solo presscon ni Ruffa Gutierrez para sa I Love Betty La Fea, sinabi nitong wala siyang sexual fanstasies, dahil she always prays to God na ilayo siya sa tukso. Hindi naman daw siya ’yung tipong mapaghanap na babae when it comes to *** at kapag may mga gabing malamig, kuntento na siya sa dalawang anak “to keep me warm” at maraming pillow. Asked by yours truly if she’s frigid with exclamation point, natatawang sey ni Ruffa, “Hindi, ’noh, I’m full of appeal!” Kung sabagay, sa sobrang appeal ni Ruffa ay bagay nga ang role nito bilang sosyalerang fashionista sa I Love Betty La Fea. * * *
|
|
-
08-03-2008, 3:05 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
RUFFA GUTIERREZ, REYNA NG MGA BAKLA!
| (DONDON SERMINO) | Masaya si Ruffa Gutierrez, na tinatawag siyang reyna ng mga baklah! Para kay Ruffa, malaking karangalan na ang mga bakla sa Pilipinas ay sinusunod ang lahat ng eksena at drama niya sa buhay sa harap ng kamera.
Sabi nga, maraming bading ang gumagaya sa pananamit at pananalita ni Ruffa.
“Naloloka nga ako sa iba, dahil iniisip nila na bading ako sa past life ko.
Because the badings always follow me, especially sa mga gay beauty pageants. “I can tell na mahal talaga nila ako. I mean, ako I’m not a computer freak.
Hindi ako ma-internet masyado. “Pero, I heard na marami raw mga bading ang nag-a-upload sa YouTube, na lahat ng ginagawa ko sa The Buzz, lahat ng mga sinusuot ko, like shoes, bags, jewelries, ginagaya nila.
“Tapos, may fan ako na ang tingin sa akin bading. So, talagang nata-touch ako. Gusto ko ngang ma-meet `yung fan na `yon, dahil parang mahal na mahal niya ako.
“Nakakatuwa dahil love talaga ako ng mga bading.
“Pero, may mga girls din naman na love ako, ha!
“Kasi before, ang mga fans ko, mga truck drivers. ‘Yun ang image ko yata nung 80s. Pero ngayon, ang mga fans ko, mga may-ari ng mga restoran.
“At mahal na rin ako ng A-B crowd. Dati kasi parang hate na hate nila ako.
At least ngayon, nag-iba na rin ang mga fans ko,” kuwento ni Ruffa. Ano ba sa tingin ni Ruffa ang nagugustuhan sa kanya ng mga bading?
“I don’t know? Ano nga ba, Dondon?
“Pero sabi nga nila, ang mga gays daw mahilig sa beauty queen. And I think kasi, ang mga gays, they’re always full of life, they’re always flamboyant. Ako kasi, as a girl, I’m full of life, and as much as I try to be simple, talagang lumalabas `yung pagiging flamboyant ko.
“So, baka `yun ang nagustuhan nila sa akin. But I don’t know? Mag-i-interview nga ako ng mga gays.
“Pero, ang dami ko talagang fans na gays. Like, kung anu-ano ang pinapangalan nila sa akin. I have so many names. Like, may Ruffiah, Ruffingfing, Ruffita.
“Pero may mga girls din naman akong mga fans. At may mga guys din naman na nagkakagusto sa akin,” patuloy na kuwento ni Ruffa.
Naku, mabuti na lang pala at hindi siya naligawan ng gay?
“Yuuukkk! Ano ba? Hindi raw ako nakasagot. Ha! Ha! Ha! Ha!
“Bakit? May artista ba na gay? My God, that’s a very touchy topic, ha!” tila inosenteng pahayag ni Ruffa.
Sino ba sa mga artistang lalake ngayon ang pinaghihinalaan niyang gay?
“I don’t know? Wala!
“Change topic! Change topic! Hindi naman bading si Betty La Fea, `no!” natatarantang sabi na lang ni Ruffa.
Well, sa I Love Betty La Fea, siguradong mas maraming bading ang gagaya kay Ruffa, dahil sa mga eksenang gagawin niya, sa mga dayalog na pakakawalan niya, at sa mga damit, sapatos, bags at alahas na susuutin niya.
Si Ruffa nga ang gaganap bilang Daniella, ang counterpart ni Wilhelmina, na ginampanan ni Vanessa Williams, sa Ugly Betty, na pinagbidahan ni America Ferrera.
Sabi ni Ruffa, ito na rin ang magandang chance para mairampa niya ang mga magagandang disenyo ng mga Pinoy na designers.
“Sana maging mahaba pa ang role ko as Daniella. Gusto namin na ma-showcase talaga ang lahat ng mga Pinoy designers. So, iba-iba,” sabi na lang ni Ruffa.
|
|
|
-
08-04-2008, 11:54 PM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
| Ruffa galit sa pangit | | By: Leo M. Bukas | | Ruffa Gutierrez |
PROUD and super excited si Ruffa Gutierrez sa bagong TV assignment niya sa ABS-CBN. Gaganap siya bilang Daniella sa I Love Betty La Fea na pagbibidahan ni Bea Alonzo. Para sa amin, best choice si Ruffa bilang Daniella. Wala na kaming makita pang pupuwede sa role na ‘yon. Sa I Love Betty La Fea ay isang certifiedl model at fashion icon si Ruffa. Very true to life, di ba? Hindi na niya kailangan pang mag-effort para gampanan ang kanyang role. Sabi pa ni Ruffa, kahit kontrabida raw siya ni Bea sa I Love Betty La Fea, mamahalin daw at tiyak na gagayahin ng bading ang kanyang character. Pero teka, paano kaya mangyayari ‘yon, eh, base sa kuwento ng staff ng I Love Betty, eh, galit si Ruffa sa pangit especially kay Betty do’n sa soap opera. Naku, let’s just watch na lang kung paano niya idya-justify ang kanyang sinabi na magiging lovable pa rin ang character niya kahit pa kontrabida siya. Samantala, kasama rin pala sa cast ng I Love Betty si Vhong Navarro. Hindi pa naman kumpirmado kung totoong si John Lloyd Cruz na ang gaganap na Armando sa programa. Para sa updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com at http:/lovebettylafea. multiply. com |
|
|
-
08-07-2008, 7:41 AM |
-
09-02-2008, 10:02 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
RUFFA: I’M NOT MALDITA
RUFFA Gutierrez says viewers have only seen the trailer of “I Love Betty La Fea” but many of them already expressed their feelings that they hate her for being a *** villain to title-roler Bea Alonzo. “Well, that can only mean na sa trailer pa lang effective na pala akong contravida,” she says. “Si Mommy nga already called my attention not to be that bad as it might negatively affect my image as a TV host and as an endorser of various products. Pero may pagka-comedy naman ang interpretation ko sa role ng Daniella kaya siguro hindi naman sila talagang magagalit sa akin. Also, it’ll be eventually shown that I’m a very caring sister to Marcella, played by Megan Young, just like in real life as I’m really a caring Ate to all my brothers. Hindi naman talaga ako maldita in real life. I’m sweet and lovable. May reason din why I hate John Lloyd Cruz in the series and why I want to get his position. He did something to my family so I want to get back at him. I’m mad naman at Betty kasi she’s always a hindrance in my plans against John Lloyd. Pero mataray lang ako rito, I’m not gonna physically hurt Bea or John Lloyd. I play a very sophisticated villain here. Hindi ‘yung tipong nagsisisigaw at nanlilisik ang mata kundi something more subtle and refined.” Series directors Don Cuaresma and Erick Salud both agree that no one else can play the part of the glamorous Daniella more effectively than Ruffa. Personally, we think Ruffa can give her Hollywood counterpart, Vanessa Williams, a run for her money in playing the thorn in Betty’s life. She’s definitely younger and more glamorous than Vanessa, who was one of the judges when she won Second Princess in Miss World. About her personal life, she’s happy that ex-hubby Yilmaz Bektas is now finally quiet. “Ayun, nananahimik na. Kasi ayaw niya talagang pinag-uusapan siya at mga negative ang lumalabas about him. E, nagbabasa ‘yun sa Internet kaya he knows everything that’s going on here. So, please, huwag na lang natin siyang pag-usapan pa. Paki-mention na lang that I’m so happy na big hit ang movie ng brother kong si Richard and KC Concepcion and I think they should give credit to my mom dahil she did everything to personally help the movie para mas kumita. Hindi lang siya gumawa ng additional press releases kundi nagsimba pa sa lahat ng simbahan at nag-offer ng napakaraming eggs to make sure hindi bumagyo sa first day ng movie. Dininig naman ni Lord ang prayers niya at gumanda nga ang panahon, pero muntik na akong makatapak ng mga itlog na nakakalat sa bahay namin.”
|
|
-
09-16-2008, 11:06 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
BEIJING-BASED, RICH EXECUTIVE ANG BAGONG BF NI RUFFA GUTIERREZ Ginagawang Quiapo lang ang Beijing, China
THIS is really juicy! Our source hardly fails. Knows n’yo ba na ang bagong boyfriend ni Ruffa ay executive ng isang multinational corporation who is based in Beijing, China? The guy used to hold a top position dito sa Manila. But due a conflict with some people in the company, he was reassigned in Beijing, China. But we heard, the guy is really brilliant and smart. Yes, ito ang reason why Ruffa is always in China. At take note, ginagawa lang niyang parang Quiapo ang China, huh! Ruffa was reportedly with the guy during the Beijing Olympics. Top secret sa mga katrabaho ni Ruffa when she travels to China. She doesn’t tell people where she is. Naku, knows kaya ni Mommy Annabelle about the guy in her daughter’s life? Hmmmmm… Hopefully, makakuha kami ng pic ng guy and find out if he’s as good-looking as Ylmaz Bektas.
|
|
-
09-16-2008, 11:06 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
BEIJING-BASED, RICH EXECUTIVE ANG BAGONG BF NI RUFFA GUTIERREZ Ginagawang Quiapo lang ang Beijing, China
THIS is really juicy! Our source hardly fails. Knows n’yo ba na ang bagong boyfriend ni Ruffa ay executive ng isang multinational corporation who is based in Beijing, China? The guy used to hold a top position dito sa Manila. But due a conflict with some people in the company, he was reassigned in Beijing, China. But we heard, the guy is really brilliant and smart. Yes, ito ang reason why Ruffa is always in China. At take note, ginagawa lang niyang parang Quiapo ang China, huh! Ruffa was reportedly with the guy during the Beijing Olympics. Top secret sa mga katrabaho ni Ruffa when she travels to China. She doesn’t tell people where she is. Naku, knows kaya ni Mommy Annabelle about the guy in her daughter’s life? Hmmmmm… Hopefully, makakuha kami ng pic ng guy and find out if he’s as good-looking as Ylmaz Bektas.
|
|
-
09-25-2008, 3:45 AM |
-
09-26-2008, 8:10 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
Mas mababa ang katangian ni Sen. Bong kumpara sa dating asawa, ayon kay Ruffa!Written by Julie Bonifacio September 24, 2008 SINISIPON SI RUFFA Gutierrez last Sunday sa The Buzz. Halos lahat daw sila sa bahay, masama ang pakiramdam including her kids na sina Venice at Lorin. Binati rin ni Ruffa sa The Buzz ang kapatid na si Richard Gutierrez ng ‘get well soon.’ Agaw-eksena naman ang suot na sapatos ni Ruffa Gutierrez sa The Buzz. Ni-reveal niya sa amin na si KC Concepcion pala ang bumili ng shoes niya sa US during the international screening ng For The First Time. Givenchy Gladiator Booties ang tatak ng shoes ni Ruffa. But as of that time na kausap namin siya, hindi pa knows ni Ruffa ang halaga ng imported European shoes niya dahil ipinadala pa lang niya ang kanyang credit card kay KC.
Pinaabangan naman sa amin ni Ruffa next week ang mga eksena niya sa I Love Betty La Fea dahil very dramatic daw ang mga ginawa niya roon. Kasunod nito, excited na ikinuwento ni Ruffa na magsisimula na siyang mag-shoot para sa bago niyang pelikula at entry sa MMFF this year, ang Desperadas 2.
“Excited ako dahil this time, mahirap na ang role ko. Pero hindi naman siya mahirap na mahirap, huh! Sa ending kasi ng part one, nakulong ako kaya paglabas ko mahirap ako,” lahad ni Ruffa.
Nakarating na rin kay Ruffa ang balitang movie na pagsasamahan nila ulit ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa Star Cinema. Handang-handa na raw si Ruffa na makatrabaho ulit si Bong, pero mariin niyang sinabi na this time it’s purely professional.
Hindi naman daw siguro ulit sila magkakaroon ng involvement ni Sen. Bong, unang-una dahil sa misis niyang si Lani Mercado at takot na lang daw ng aktor sa Mommy niya na si Anabelle Rama. Basta si Ruffa, trabaho lang daw ang magaganap sa kanila. Kung makikipagrelasyon daw siya ulit, sisiguraduhin niya na mas angat sa mga qualifications ng miste niyang si Yilmaz Bektas.
So, tinanong namin si Ruffa, kung sa tingin ba niya mas mababa ang mga katangian ni Sen. Bong kaysa kay Yilmaz, malutong at mabilis na ‘yes’ ang sagot sa amin ng host ng The Buzz.
|
|
-
09-26-2008, 8:19 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
RUFFA, IBINUKING NI JOYCE JIMENEZ ANG FREQUENT TRIPS SA BEIJING Kaya hindi naka-attend ng kasal ng former sexy star
BUKING na buking si Ruffa Gutierrez kanina sa The Buzz. She must have regret interviewing Joyce Jimenez. Dahil sa sexy star nanggaling ang confirmation na madalas nga si Ruffing sa Beijing, China. Joyce tried to get hold of Ruffa para ibigay ang invitation nito sa kanyang kasal but Joyce was told na nasa Beijing ang TV host-actress. Again, dito unang lumabas ang news na Beijing-based ang bagong boyfriend ni Ruffa. But in one showbiz site, Ruffa denied about the guy. Though very vague ang said denial. Not direct though. We wonder. Bakit hindi ma-admit ni Ruffa ang kanyang bagong boyfriend? Just like most of the showbizjuicers say, she deserves to be happy too! Posted on Sunday, September 21, 2008, 10:05pm
|
|
-
11-19-2008, 5:21 AM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
Pagkatapos ni Eddie, si Annabelle naman ang magpapaopera!Written by Boy Abunda November 17, 2008 EDDIE GUTIERREZ WAS recently rushed to St. Luke’s Medical Center where he underwent an angioplasty operation due to two blockages in his artery. He is now well and has already been discharged from the hospital. “Ang sarap ng pakiramdam ko. Parang second life ko na ito. Nagpapasalamat ako sa lahat ng mga sumuporta at nagdasal sa akin. I would like to thank Annabelle and my family who stood beside me,” Eddie said. Nakausap namin sina Annabelle at Ruffa sa The Buzz. According to Annabelle, she learned about Eddie’s heart condition when they went to Bangkok. Noong nasa ospital si Eddie, sinabi raw ng doktor sa kanila ni Ruffa that Eddie’s condition was very dangerous. Pinapili si Annabelle kung bypass o angioplasty ang gagamiting medical procedure kay Eddie. Magdamag daw na umiyak si Annabelle during Eddie’s operation.
Sinabi ni Annabelle kay Eddie na siya na lang daw ang maunang mawala sa kanilang dalawa kasi hindi raw niya kakayanin kapag nawala si Eddie sa kanya. Eddie admitted to Annabelle that he had been suffering from his heart ailment for one and a half years. Itinago niya ang kalagayan sa kanyang pamilya para hindi sila mag-alala.
Annabelle was thankful to Ruffa and Richard who took care of their father’s hospital bill. Ruffa said, “During times of trial, pain, and darkness, lalong nagsasama ang aming pamilya. We need him in our lives. Wala siyang bad bone sa kanyang katawan.”
Eddie and Annabelle need regular check-ups now. May pinagdaraanan din kasi na karamdaman si Annabelle at kailangan niyang magpa-opera sa Amerika. She is just waiting for Eddie’s full recovery.
Here’s praying na sana ay malagpasan ng kanilang pamilya ang mga pagsubok na pinagdaraanan nila ngayon.
Kaibigan, usap tayo muli!
|
|
-
12-23-2008, 3:06 AM |
-
01-04-2009, 12:32 PM |
-
Arrowhead
-
-
-
Joined on 11-17-2007
-
USA
-
Posts 1,464
-
Points 0
-
|
Ruffa takes responsibility as Monster MomWritten by Chit Ramos December 24-25, 2008 MAS MASAYANG PASKO at mas Masaganang Bagong Taon ang bati ng BullCHIT sa inyong lahat. Less intriga din ang wish ng inyong lingkod sa mga kapatid sa hanapbuhay para huwag atakihin ng heart attack at pagsisiskip ng dibdib habang naghahagilap ng balita bilang bahagi ng ating trabaho. Gawin nating magandang ehemplo ang mentor nating si Ronald Constantino sa pagsasabing: Iwasan na ang magalit para humaba ang buhay at maging maligaya.
Nagpuputok pala ang butse ni Jun Lalin habang kausap natin si Annabelle Rama sa Florabel’s after the premiere night of Desperadas 2. Sino-solo ko raw si Annabel kaya hindi siya makalapit.
Akala pala niya, ini-interview ko ang mommy ni Ruffa Gutierrez. It was Annabelle who chose to sit in front of me dahil mahihirapan daw siyang umakyat sa itaas. She has been through a major operation, kaya hindi siya maka-join kina Eddie (Gutierrez), Richard, Raymond, Richie, Paul sa 2nd floor ng resto.
Jojo Gabinete was sitting beside me, dahil balak naming umalis agad. Tawag naman ng tawag si Ruffa na hindi makasunod sa resto dahil, kailangan niyang bumalik sa ABS-CBN para sa taping ng I Love Betty La Fea. Report naman ng report si Annabelle sa anak na napakaganda ng feedback sa kanya ng movie press, dahil bagay na bagay silang mag-ina ng batang si Sofia Baars. Bukod sa maganda rin ang bata, napakahusay pang umarte. Swak tuloy sa bawa’t eksena nila.
Anyways, nadako ang usapan sa panibagong closseness ni Ruffa sa kanyang mommy before and after the operation. “Siya ang umako ng trabaho ko sa bahay bilang ina sa kanyang mga kapatid at sa dalawa niyang anak na sina Venice at Lorin. Ang hirap daw pala. Mapa-grocery, palengke, paglilinis ng bahay. Basta, lahat-lahat ng ginagawa ko. For a while namang na-miss nila ang pagsigaw-sigaw ko, dahil si Ruffa, hindi iyan katulad ko.
“Kahit malalaki na ang younger brother niya, tinatawagan pa rin niya ang mga ito.
Kinukumusta at inaalam kung okey sila. In return, tawag din sila ng tawag kay Ruffa, to assure her na okey sila.” Ganu’n ang naging routine ng buhay nina Ruffa habang si Annabelle naman, inaalagaan ni Eddie sa Bangkok Hospital.
“Hindi simple ang ma-operahan sa mayoma,” patuloy niya. “Parang apat na operasyon ang nangyari. Kailangan ko ring magkaroon ng doctor sa heart, sa blood at anaesthelogisist. Paano na lang daw kung habang inooperahan ako ay tumaas ang blood sugar ko, ang heart ko at kung anu-ano pa. Natakot ako. ‘Yung pagbibilin ko sa mga anak ko kung ano ang dapat nilang gawin kapag natigok na ako o hindi na magising, totoo iyon. Hindi natin hawak ang buhay natin. Ang ginawa ko, dasal na lang ako kay Sto. Niño.”
“Ganu’n din ang nangyari, nu’ng operahan si Eddie. Takot na takot din ako. Kasi, tiyempo-tiyempo lang ang pag-o-opera sa kanya. Kung naghintay pa kami ng isang araw, baka tigok na rin siya. Ganu’n katindi at ka-immediate ang operasyon ni Eddie, ganu’n din ang mayoma ko.
“Yung sa akin, 10 years ko na palang inaalagaan ang sakit ko. Nang ipakita nga sa akin ng doctor ang inalis na bad cells, ang laki. Nandiri ako. Tiningnan ko lang, tapos, pinaalis ko agad. Ganu’n pala iyon.
“Noon, nakaramdam na rin ako ng panghihina. Pero, nilalabanan ko. Ayoko kasi talagang maoperahan. Pero, nang malaman ni Ruffa ang tungkol sa mayoma ko, nagtanong-tanong siya. Siya ang nagsabi sa akin na delikado pala iyon. May nakausap siyang family friend namin na kagagaling sa Bangkok. Magaling daw ‘yung hospital at puro espesyalista ang nag-o-opera. Tahimik din daw at wala pang Pilipino na naging pasyente roon. Umokey si Eddie. Ayaw n’ya kasing may makaalam na ooperahan siya. Alam mo naman tayong mga Pilipino, sobra-sobrang magbalita. Ang bulate, nagiging ahas, kaya pumayag kami ni Eddie na magpa-check up. Naayos agad ni Ruffa ang schedule ng check-up, ang immediate operation ni Eddie, at ako naman ang susunod.
“Salamat talaga kay Ruffa, kay Raymond, sa mga anak kong dasal nang dasal para maging successful ang operation namin ni Eddie. Malakas talaga kami kay Sto. Niño. Malakas ang pananampalataya namin sa kanya. Kaya, heto ako, nag-iingat. Tama ang observation mo, gusto ko na sanang magpahinga, pero in-advice ako ng doctor na kumilos-kilos. Baka raw kasi magdikit-dikit ang bituka ko. Kaya, kahit nu’ng nasa eroplano kami papuntang U.S. (for Manny Pacquio’s bout with Dela Hoya), lakad ako ng lakad. Pabalik-balik. Ganu’n din nu’ng pabalik na kami. Pero, dahan-dahan lang.”
Ibinulong din sa amin ni Annabelle kung magkano inabot ang operation nila ni Eddie. “P1.4 M kay Eddie at P1.2M sa akin. Puera pa ang recovery period. Si Richard ang nagbayad lahat-lahat. Nagbigay naman si Ruffa, kahit sinasabi namin na huwag na dahil may dalawa na siyang binubuhay. Pero, nagpilit. Mga P400,000 din.
“Isipin n’yo na lang kung hindi naging masuwerte ang mga anak namin sa showbiz. Talagang mabait sa amin ang Sto. Niño.”
Iyon, may mga pagkakataon na kapag nag-uusap ang isang artista at reporter, hindi puro interview ang nangyayari. Naghahari din naman paminsan-minsan ang pagiging ina namin sa kapwa.
|
|
-
01-15-2009, 8:56 PM |
-
01-15-2009, 8:58 PM |
-
twilight101
-
-
-
Joined on 01-15-2009
-
-
Posts 4
-
Points 0
-
|
noOn to be honest, d ako fan ni ms. Ruffa Gutierrez pero ng naging kapamilya na sya at naging regular host sya ng THE BUZZ..doon ko narealize na she's nice and FUNNY..heheh..natatawa ako sa mga hirit nya and i love her becoz she portrayed Daniella's character very well...she'd become a real artist...codos...
|
|
Page 39 of 39 (776 items)
... 39
|
|
|