BABY TALK Ni Salve V. Asis
Ang Pilipino STAR Ngayon 11/24/2005
* * *
Malaki talaga ang nagagawa ng pagiging mabait at magaling makisama, nagbubunga. Ganito ang nangyari kay
Gus Abelgas. Marunong daw kasing makisama ang beteranong police reporter na rason kaya hindi siya nakasama sa mga forced retiree ng
ABS-CBN nang mag-cost cutting ang nasabing network.
Ngayon, ang bago niyang programang
SOCO (Scene of the Crime Operatives) ang papalit sa programang
Yes Yes Show na natsugi kamakailan.
Nag-premiere na ito kagabi, Wednesday, 10:45 p.m.
Ang
SOCO ang kauna-unahang real life police investigation program. Magbibigay ang programa ng comprehensive video documentation of actual investigation undertaken by the forensic experts ng PNP Crime Laboratory.
Tuturuan din ng programa ang viewers kung paano makaka-contribute ng immediate resolution of crimes at kung paano maiwasan maging biktima.
http://www.philstar.com/philstar/pinoy200511247301.htm