Welcome to ABS-CBN Community Sign in | Join | Help
in
Reset your password using "(I forgot my password)" on "Sign In" link
Forums

TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

Last post 05-10-2008, 3:28 PM by pian. 12 replies.
Sort Posts: Previous Next
  •  05-07-2008, 1:43 PM 2746341

    TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Fernando is seemingly creating his own personality cult typifying that of Iraqi dictator Saddam Hussein and the great North Korean leader Kim Il Sung. These two persons festooned roads and highways with their giant photos.

    Rep. Golez according to reports noted that, “It looks like he (Fernando) is bent on creating a personality cult with his giant facial tarpaulins at government expense.”

    Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Bayani Fernando was castigated by Rep. Roilo Golez for threatening to replace his (Fernando’s) giant facial tarpaulins which have been dismantled by Metro Manila mayors and barangay chairmen, prompting the Parañaque solon to air his own threat of filing charges against the flamboyant MMDA chief.

    A reliable informant told Rep. Golez that in last Monday’s flag-raising ceremony at the MMDA office in Makati City, Fernando was quoted as saying he would install more tarpaulins to replace those taken down by metro mayors..

    According to Rep. Golez, his informant reported that the replacement of his taurpaulins was MMDA Fernando's one and only major topic in last Monday, May 05, 2008 flag ceremony, notwithstanding Metro Manila’s huge garbage and traffic problems.


  •  05-07-2008, 2:14 PM 2746421 in reply to 2746341

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Bakit? Takot ba si golez na maging Presidente si BF? Maaring may mali sa ginawang paggamit ni bf sa pondo ng bayan dahil sa mga tarpaulin na yan. Pero walang magagawa si Rep. Roilo golez kung gustuhin ni Bayani Fernando na kumandidatong Presidente.

    Kahit si Mayor Jejomar Binay ay ipinatanggal niya ang mga tarpaulin ni BF dahil sa insinuation na preparation ni BF sa 2010 national election pero mas nauna siyang nagpahiwatig na tatakbo rin sa national election dahil nagka meron siya ng Comelec Ad sa television di hamak na mas garapal ang pahiwatig niya dahil nationwide ang coverage ng TV. E si BF di ko alam at di ko nakita ang mga tarpaulin dito sa probinsya.

    Kumpara kay Golez at Binay mas winable for  president si BF.  


    NO MAN IS RICH ENOUGH TO BUY BACK HIS PAST.
  •  05-07-2008, 7:18 PM 2746973 in reply to 2746421

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    asus yun na nga ang mali ginagamit ang pondo ng bayan para sa sariling kapakanan.

    ang mokong dinisplay ang pagmumukha sa kahabaan ng EDSA...ang lalaki pa ng mga tarpaulin!

    aba mas masahol pa sya sa mga pulitiko na tadtad ng litrato ng kanilang mga pagmumukha sa bawat proyekto na pinapagawa nila e pondo naman ng bayan yun!

    tell me nga kung gawain ba yan ng matinong tao?

    etong Pandak na presidente talaga na ito nagiging bad example sa mga alipores nyang kay kakapal din ng mga muks.


    mag-backlash sana sa kanila ang mga ginagawa nila.

     


    Kapamilya for Life!


    Keith Jack, ONE OF THE BEST SINGERS IN THE WORLD!

    Watch his Youtube vids!

    PDA 1 - Exalting talent and originality to their fullest!
    PDA 2 - Exemplifying evilness and mediocrity to the KAPAMILYA VIEWERS!

  •  05-08-2008, 5:07 AM 2747585 in reply to 2746973

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Naalala ko ang sabi ng mga matatanda, "ok lang managinip kasi walang bayad" Pero itong panaginip ni Bayani Fernando, may bayad! Ang masakit lang,  pera  ng bayan at mga mamayan ang nagbabayad! Ang kaya lamang talunin ni BF sa pagka presidente ay mga politikong tulad nya..."mga GARAPAL"
  •  05-08-2008, 5:12 AM 2747588 in reply to 2747585

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Sabi nuong isang trapik enforcer ng MMDA, malaking tulong daw ang mga tarpolina ni BF sa EDSA. Simula nuong ilagay ang mga tarpolina, luminis ang EDSA! Ngayon, wala na nakikitang "daga" sa EDSA. Natakot sa mukha ni BF!
  •  05-08-2008, 6:00 AM 2747647 in reply to 2747588

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    ebumali:
    Sabi nuong isang trapik enforcer ng MMDA, malaking tulong daw ang mga tarpolina ni BF sa EDSA. Simula nuong ilagay ang mga tarpolina, luminis ang EDSA! Ngayon, wala na nakikitang "daga" sa EDSA. Natakot sa mukha ni BF!

     

    SIGURO YUN TALAGA ANG PURPOSE...TO POST HIS PICTURES ALL AROUND PARA MATAKOT ANG MGA "DAGA" DAHIL MUKHA SIYANG "MUNING" NA HANDANG SILANG SAKMALIN..

     

    WHY ARE THEY LETTING THIS "NASTY CAT" TO POST HIS PICTURES?   HINDI BA BASURA RIN YUN? 

     

    Filed under:
  •  05-09-2008, 10:47 PM 2751057 in reply to 2747647

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Dati'y ok sa akin ang gingawa ng MMDA na pina mumunuan ni bf. Saludo ako sa kanya na tila walang sinasanto. Pero nagbago ang ihip ng hangin sa akin. Iba pala pag pag direkta ka nang tinatapakan ang karapatan.

    Ang sinasabi ko ang ang walang habas na pag demolish nila na parte ng road widening project  nila. Ultimong Ark ng aming subdivision ay di pinatawad ng mga bataan niya. Nang tanungin ko kung bakit nila giniba gayong napakalayo na nito sa national road ay ang naging sagut lang ay sinusunod lang daw nila ang utos sa kanila. Tanong ko ulit kung gaano ba kalayo  o distance ng isang arko para itayo sa gilid ng national road ay 10 meters daw. Aba kako e paano ang  concrete na bakod na ito na katabi lang ng arko ay halos 3 meters lang ang layo sa gilid ng kalsada at yung arko na giniba nila ay 5 meters ang layo at private pa ung papasok sa nag iisang subdivision? Ang sagot ay iba raw yun.

    Samakatuwid ang ginagawa nila ay walang basehan at walang katwiran. Nakaktakot nga pala na maging presidente si Bayani Fernando.

     


    NO MAN IS RICH ENOUGH TO BUY BACK HIS PAST.
  •  05-10-2008, 5:18 AM 2751307 in reply to 2751057

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    BF stands for Bobong Filipino

    Aba'y tama ba naman yung lalagyan ng pagkarami-raming isla sa gitna ng daan??? Wala na akong nkitang purpose non kundi more horrendous traffic at mga accidents...

    Now this *** is putting his face in tarpaulins posted along major thoroughfares of MM. Para saan daw?

    Geez...gimme a break, dude. Pagod na ang Pinoy.

  •  05-10-2008, 7:45 AM 2751393 in reply to 2751307

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Pag naging presidente eto lalo maghihirap ang pinas. Simpleng solusyon sa concrete barrier na lagyan man lang ng reflector na sticker gusto pa ang magastos na pagawa ng parang overpass na U turn slot alam na naghihirap ang pinas at wala na makain ang iba. Nakakatakot pati baka lagyan ng bakod ang lahat ng kalsada para na tayo nasa kulungan nyan. Ang sagwa-sagwang pang tingnan

    Please Visit and Register to http://Edsa-Online.com


    PRO/ANTI Arroyo are welcome!
    Sign up for a Free and start earning Cash Points and redeem your Free Rewards like Cellphone loads and even Cash by simply posting new threads and replying to threads.

    The power to tax involves the power to destroy

  •  05-10-2008, 2:11 PM 2751778 in reply to 2751393

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Pag nakikita ang mukha ni Bayani Fernando, isang bagay lamang ang nasa kalooban ko..."ang mukha ng isang Pilipinong di maka tao! Di maalis sa aking pagiisip, yaong isang matandang babae na nagtitinda sa bangketa. Alam nuong matanda na mali ang kanyang ginagawa. Nakikiusap syang huwag buhusan ng kerosene o gaas ang kanyang paninda dahil inutang lamang niya ang puhunan! Ngunit, di siya pinagbigyan. Di lamang nilagyan ng gaas ang mga panindang gulay, itinapon pa ito sa kalye. Kung ikaw ay maka tao, papayag ka ba sa ganitong gawain?

    Si Pangulong Ramon Magsaysay, napamahal sa tao dahil sa kanyang adhikain na..."those who have less in life, should have more in law!" Kung buhay pa si Magsaysay, malamang si BFernando ang kanyang ipinakulong.

    At kung si BF nga kakandidato, kahit ako ay mahina na, mangangampanya ako laban sa kanya! Siya ay isang tao walang awa sa mahihirap! Masuwerte siya at ipinanganak siyang "mayaman"

  •  05-10-2008, 2:27 PM 2751805 in reply to 2751778

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    ang hindi ko maintindihan ay bakit pa ginagawang issue yan...kung makakatulong ay bakit hindi..dahil ang tingin ng MMDA ay malakas ang hatak ni BF sa mga pilipino kaya ginamit ang kanyang mukha para makakuha ng atensyon sa mga tao at maipaliwanag ang kanilang proyekto..walang pinag-kaiba yan sa mga produktong iniinderso ng mga kilalang tao gaya ng artista at politiko dahil yon ang paniniwealang makakatulong sa pag promote kung ano man ang gusto nila ipaalam sa publiko..tingnan nyo effective at napansin nyo dba? kumbaga pinagusapan kaya nakatatak na sya sa inyo..
    "knowledge is best with virtue"
  •  05-10-2008, 3:15 PM 2751879 in reply to 2751805

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    We need the likes of BF to not waver in implementing the law. Hindi niya inalintana na alisin ang mga squatters sa Marikina, kahit na sa squatters ang pag-asa ng mga elected officials. Alam na alam ni Binay yan, kaya naman inaalagaan niya ng husto itong mga squatters na ito, hindi nila alam na nananatili silang squatters kay Binay, hindi asenso nila ang tinitingnan, kundi asenso niya lang. Yung ginagawa ni BF pinaiiral lang niya ang batas. Illegal ang mga squatters, colorum, illegal vendors. Kung walang magpapatupad ng batas, pano naman tayo?
  •  05-10-2008, 3:28 PM 2751897 in reply to 2746341

    Re: TARPAULIN SCANDAL: A BAYANI FERNANDO'S 2010 PRESIDENTIAL CAMPAIGN

    Mjismc, ang layo naman ng comparison mo, na parang si Iraqi dictator Saddam Hussein o yung North Korean leader na si Kim Il Sung dahil lang sa posters niya. Hindi siya dictator, pag dictator ka, hawak mo batas at nababago mo yon according to your will. Ang ginagawa lang niya, pinapatupad niya ang batas. Meron siyang will na gawin ito, hindi ito pang-aabuso ng batas, kundi siya lang ang may lakas-loob na ipatupad ang batas doon sa mga nang-aabuso ng batas.