PBB TEEN PLUS is now a history. Tapos na ang show at alam na rin natin kung sino ang big winner. Kailangan pa ba nating ulit-ulitin kung sino ang deserving?. Kung sino man ang deserving, then keep it that way, keep it in your heart. Gaya ng sinabi ni Ejay sa THE BUZZ, lahat silang big four ay big winner, palagay ko ganun din ang sasabihin ni Robi, Nicole at Beauty. The difference is only the price. Why dont you keep your mind shut na lang, accept the fact and move on. Kung ano man ang inyong pinapainiwalaan , then go on. Hinde kailangang sirain pa ang pagkatao ng bawat isa sa mga housemates.
Kung babaliktarin natin ang financial status ng bawat isa sa big four, iboboto niyo kaya sila? what if, lahat sa big four ay mayaman na o lahat ay mahirap , ano kaya kung ang big winner ay si Josef at 2nd lang si Robi. Ano kaya ang reaction ng mga Robi fans. Huwag hamakin ang kahinaan at kakulangan ng isang tao. Lahat ng bagay na hinde pa nalalaman ay napag-aaralan. Lahat tayong mga tao ay ipinanganak na isang mangmang at walang alam , sa bawat pagdaan ng araw ay unti-unti tayong natututo ng hinde natin namamalayan. Bata pa ang mga big winner, marami pang mangyayari at haharaping pagsubok sa buhay. Magpasalamat tayo na ilan na naman sa mga kabataang pinoy ang nakikitaan natin ng kasiguraduhan at magandang kapalaran .
Itigil na po natin ang pagkutya sa pagkatao nila dahil walang taong perpekto ang personalidad. Bago pa ninyo sila kutyain at hamakin, tumingin muna kayo sa harap ng salamin at pag-aralan kung ano ang inyong pagkatao. Lahat tayo ay may kakulangan at kahinaan . Simulan niyo na ring mag-isip kung ano pa nga ba ang magandang bagay na dapat pwedeng gawin para mabago at magkaroon ng maginhawa at tahimik na buhay.
Ang inyong paghamak ang lalong nagluluklok sa mga taong mababa ang kalagayan sa buhay para umangat sila. Ang pag-angat nila ay hinde lamang kagustuhan ng mga sumusuporta sa kanila kundi na rin sa kagustuhan ng Diyos. Kaya kung sino man ang deserving niyo , then yun ang sundin niyo pero itigil niyo na ang paghamak at pag-api sa ibang tao dahil yan ay isang kasalanan sa diyos. Bigyan natin ang bawat isa sa mga big four , pati na rin ang mga evicted housemates ng pagkakataon na ipagpatuloy ang kanilang nasimulan at pagbabago kahit nasa labas na sila ng PBB. Lahat naman sila ay mabibigyan ng pagkakataon sa showbiz o ano mang larangan sa ibat-ibang industriya. Lahat silang 14 na housemates ay big winner dahil lahat sila ay may pagbabago at may naghihintay ng magandang kapalaran sa kanilang lahat. Subaybayan na lang natin at sabayan sila sa mga susunod pang pakikibaka nila sa buhay. Sabayan natin silang tumawa, umiiyak at malungkot sa mga darating pang araw.